Quantcast

GF gusto nang magpakasal; BF hindi pa ready

By

DEAR Ateng Beth,

Anong gagawin ko po sa GF ko na minamadali akong magpakasal sa kanya pero hindi pa talaga ako ready.

Marami pa kasi akong plano sa buhay. Gusto ko po muna sanang makapagtrabaho sa abroad para matulungan ko mga magulang ko at para na rin sa future naming dalawa.

Ang sabi niya hindi na siya makapaghihintay dahil tumatanda na siya at baka hindi na raw kami magkaanak. Thirty years old na po siya, ako naman po ay 27.

Payuhan nyo po ako. Maraming Salamat
-Ronnie, Baguio city

Magandang araw sa ‘yo, Ronnie.

Sinubukan mo na bang kausapin ang girlfriend mo? Anong sabi niya?

Teka, mahal mo ba siya?…yung puntong siya ang gusto mong pakasalan o makasama habambuhay.

Kung hindi, huwag mo nang patagalin pa. Huwag mo na siyang paasahin pa. Napaka-unfair non sa kanya.

Kung sigurado kang mahal mo siya at siya ang gusto mong makasama habambuay, kausapin siyang muli at sabihin ang plano mo. Ipaliwanag sa kanya na may mga pangarap ka sa buhay, at bahagi siya non.

Sa kabilang banda, unawain mo rin ang mga concerns niya. At pag nag-usap kayo, come up with a win-win solution. Yung pabor sa kanya na pabor din naman sa iyo. Kung talagang mahal ninyo ang isa’t isa, hindi magiging hadlang ang ano mang problema. Gagawan at gagawan ninyo iyan ng solusyon para mapanatili at ma-patibay ang inyong pagmamahalan. Keri?

Ateng Beth

May problema ka ba? I-text na kay Ateng Beth dahil tiyak may sey siya diyan. Mag-text sa 09989558253.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement