Pokwang isinugod sa ospital, bawal nang gumalaw | Bandera

Pokwang isinugod sa ospital, bawal nang gumalaw

|July 11,2017
facebook
share this

Pokwang isinugod sa ospital, bawal nang gumalaw

- July 11, 2017 - 12:30 AM

ISINUGOD sa ospital ang komedyanang si Pokwang matapos magkaroon ng problema sa kanyang pagbubuntis.

Maselan ang pregnancy ni Pokwang kaya pinayuhan siya ng kanyang doktor na triplehin ang pag-iingat para sa safety ng kanyang ipinagbubuntis.

Dalawang buwang buntis ngayon ang komedyana courtesy of her American boyfriend na si Lee O’Brian. 44 na si Pokey kaya medyo hirap na siyang magbuntis.

Kamakailan ay nag-post ang BFF ni Pokey na si K Brosas sa Instagram ng picture nila habang magkahawak ang kamay. Dito makikita na nasa hospital bed si Pokwang at naka-dextrose.

Caption ni K sa kanyang IG photo: “BFF duties. dinalaw ko c bff @itspokwang27 sa hospital… don’t worry ok na sha, kelangan Lang nyang maging mas maingat at bawal halos gumalaw.

“Pero ok naman si baby obrian.. pero sana include nyo naman po Sila sa prayers nyo para mas maging smooth at safe ang buong pregnancy… Salamat po! Lablablab! #friendsforlife!” dugtong pa ni K Brosas.
Kung matatandaan, nabuntis na noon si Pokwang ngunit nakunan ang komedyana sa panganay sana nila ni Lee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending