Baguhang direktor pumapatol daw sa girl, boy, bakla, tomboy | Bandera

Baguhang direktor pumapatol daw sa girl, boy, bakla, tomboy

Reggee Bonoan - June 14, 2017 - 12:30 AM

NAGING kontrobersyal ang pelikulang “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita” na ipinalabas noong 2013 para sa Cine Filipino Film Festival na pinagbidahan nina Angel Aquino at Teri Malvar at idinirek at isinulat ni Sigrid Andrea Bernardo.

Kaya kontrobersyal ay dahil sensitibo ang tema nito tungkol sa batang babaeng edad 12 (Teri) na nagkagusto sa kapwa niya babae na malaki ang agwat ng edad sa kanya (Angel).

Hindi kinagat ng manonood noong 2013 ang nasabing pelikula dahil ang paniwala ng marami ay konserbatibo pa rin ang mga Pilipino at hindi pa rin bukas sa mga ganito kasensitibong tema.

Aminado naman si direk Sigrid na hindi kumita ang pelikula niya lalo na’t nabigyan sila ng R-16 rating ng MTRCB sa ikalawang rebyu dahil nauna na silang binigyan ng X rating.

Kaya labis ang pasasalamat ng buong cast at production ng “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita” kay Chairman Liza Dino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) dahil muling mapapanood ang pelikula simula sa Hunyo 16 hanggang 22 sa Cine Lokal Film Festival sa SM Cinemas.

Ayon kay direk Sigrid, “Nagpapasalamat kami sa FDCP kasi nabigyan kami ng commercial screening sa SM after four years, mabibigyan ng chance ang mga ganitong klase ng pelikula.”

Walong taon na raw nasulat ni direk ang script ng “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita” at marami na siyang pinag-alukan nito hanggang makarating na sa ibang bansa, pero wala pa ring makuhang funds kaya sobrang na-depress siya at naisip niyang baka nga hindi para sa kanya ang pagdidirek ng pelikula lalo’t hindi naman filmmaking ang natapos niya sa Unibersidad ng Pilipinas.

Natuto lang magdirek si Sigrid noong kinuha siyang PA ni direk Lav Diaz at pinag-aralan ang pasikut-sikot sa pagbuo ng pelikula hanggang sa natutunan na niya nga niya ito.

Ayon pa kay direk talagang kinausap niya nang masinsinan si Teri bilang si Anita sa mga eksenang gagawin nito dahil nga sensitibo lalo’t kailangan nitong halikan si Angel (Pilar) sa labi bagay na kailangang ipaliwanag mabuti sa bata kung bakit.

Maging si Angel ay umaming kinausap niya si Teri at sinabing, “Isipin mo na lang na mommy mo ang hinahalikan mo.” At finally pumayag naman daw ang bagets na ilang beses itong na-take.

q q q

Tinanong din si direk Sigrid kung may experience siyang magmahal sa parehong gender dahil hindi niya masusulat ito kung wala.

“Oo naman, meron siyempre during the time po na ginagawa namin ang movie, I’m in a relationship, but now, I’m single. And also, I don’t believe in labels.

“Actually, itong ‘Ang Huling Cha-Cha Ni Anita’ was inspired sa kuwento nu’ng DOP (director of photography) ko sa movie, na in-love rin siya sa isang Pilar,” pagtatapat ni direk Sigrid.

Kaya pagkatapos ng presscon ay solo naming kinausap si direk Sigrid tungkol sa isyung hindi siya nagbibigay ng label sa mga nakarelasyon niya, “I’m single now and I’m in a relationship with the same sex before,” pag-amin niya sa amin.

At dahil single ngayon si direk, tinanong namin kung open pa rin siya sa same sex relationship, “Oo naman, I’m out with my parents, alam nila. Iba’t iba ako, eh, hindi lang ako for girls I go for guys din and I had a relationship din with gay, yes.”

Nakagugulat ang rebelasyong ito ni direk Sigrid dahil first time kaming maka-interview ng direktor na nagkukuwento ng tungkol sa personal nitong buhay.

Ang Idea First Company nina direk Jun Lana at Perci Intalan ang nagma-manage ng career ni direk Sigrid.

“Sana mapanood ng lahat ang movie namin, sana makabawi na kami, honestly hindi pa nababawi ang puhunan kasi puro small screenings lang kami noon, e, magkano lang kinikita, napupunta lang sa mga dapat bayaran, like sa food ng production, mga pamasahe, ganu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sobrang memorable sa akin itong movie kasi nanalong Best Film, Best Supporting Actress, Best Actress, at Best Acting Ensemble sa CineFilipino Film Festival noong 2013, Kaya sana talaga mas marami pang makapanood,” ani direk Sigrid.

Ang nasabing pelikula rin ang nakapagbigay ng unang Urian award kay Angel bilang Best Supporting Actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending