Ariella ingat na ingat magkomento sa life story ni Pia sa MMK | Bandera

Ariella ingat na ingat magkomento sa life story ni Pia sa MMK

|June 13,2017
facebook
share this

Ariella ingat na ingat magkomento sa life story ni Pia sa MMK

- June 13, 2017 - 12:05 AM
INGAT na ingat si 2013 Miss Universe 3rd Runner Up Ariella Arida sa pagkokomento tungkol sa kinukwestiyong bahagi ng life story ni Pia Wirtzbach sa Maalaala Mo Kaya. Hindi nagustuhan ng dating partner ng kanyang amang si Uwe Wurtzbach at ng kanyang stepbrother ang eksena kung saan humihingi ng pera ang ama kay Pia at pinalabas pa itong playboy.  “I know the life story naman. Pero sabi ko nga, parang ang hirap kasing i-ano sa life story ng three years mo na pinaghirapan. Naiintindihan ko naman na siyempre, for TV ‘yan, hindi lahat din nasabi or naklaro. “So mahirap din po talaga. Kung ano ang lumalabas ngayon, you can’t tell din kung ano ang totoo and what’s not. Ang hirap mag-judge. Unfortunate lang na nangyayari po yun,” ang reaksyon ni Ariella sa presscon ng Cosmo Skin kamakailan kung saan ipinakilala siya bilang bagong endorser ng CS GSE (Grape Seed Extract). Tinanong din si Ariella kung payag ba siyang ipalabas din sa MMK o sa Magpakailanman ang kanyang life story, “Okey lang din naman po sa akin, pero sana mag-enjoy kayo. “Kasi nga po, ang eksena ng buhay ko, wala pong drama. Pero thankful naman ako na sobrang ayos naman. “Simpleng-simple lang naman po ang buhay ko. Pero kapupulutan naman po ng aral, the timing is everything,” sey pa ni Ariella.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending