Arci di takot kay Bea: Mag-iinarte pa ba ako kay Gerald! | Bandera

Arci di takot kay Bea: Mag-iinarte pa ba ako kay Gerald!

Ambet Nabus |June 01,2017
facebook
share this

Arci di takot kay Bea: Mag-iinarte pa ba ako kay Gerald!

Ambet Nabus - June 01, 2017 - 12:05 AM

DEPENDE pa rin sa naging cause ng break-up ng magkarelasyon kung puwede pa ba silang maging friends o kung maaari pa bang magkaroon ng second chance ang kanilang love story.

Kung naging maganda naman ang hiwalayan, agree kami sa sinabi nina Arci Muñoz and Gerald Anderson na posible pa ring maging friend ang ex mo.

Ganito kasi ang tema ng bagong movie nilang “Can We Still Be Friends” under Star Cinema. Hindi ito sequel ng naging hit movie nilang “Always Be My Maybe”, bagung-bago raw ito at ibang-iba ang kanilang mga karakter. Sabi nga ni Arci sa ginanap na presscon ng pelikula recently, “Very common ang kuwento nito na talagang nangyayari sa bawat isa sa atin.”

Na-challenge nga raw ang dalawang bida ng pelikula na patunayang hindi “milagro” ang pagiging box-office hit ng movie nila before.

“I believe po kasi na bukod sa amin, yung kuwento talaga ang dinadayo ng mga tao. Simula nang mauso ang mga hugot lines and everything, nauso na rin ang mga tulad namin (unconventional loveteam),” ang kikay na pahayag ni Arci.

Very behave naman si Gerald sa pagsang-ayon sa kanyang leading lady na inilarawan niyang “masarap at madaling katrabaho.”

“Mapapanood nila rito kung paano akong nag-take advantage kay Ge. Mag-iinarte pa ba ako eh, sa first movie pa lang namin ay nag-enjoy na ako!” ang walang kaarte-arteng sabi pa ni Arci na mukhang walang nararamdamang takot sa rumored girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo. Ha-hahaha!

Na-curious tuloy kaming malaman kung anong mga eksena ang tinutukoy ni Arci lalo pa’t sa una nilang pagsasama ay parang nabitin pa ang mga manonood sa kanilang intimate scenes. Mas shocking nga kaya ang pinaggagagawa nila ni Gerald sa latest movie nila?

q q q

Speaking of Gerald, haping-hapi daw ito sa feedback na nakukuha nila kaugnay ng reunion teleserye nila ni Kim Chiu, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

“Akala namin, wala kaming following dahil before lunch time (timeslot) kami. But surprisingly, tinanggap kami ng mga tao at nakakataba ng puso na may bago raw kaming na-capture na audience,” hirit ng aktor.

Napaka-harmonious daw ng set nila at cool na cool ang samahan nila sa taping. Napatunayan nga raw ni Gerald na talagang naghihilom ang “sugat ng nakaraan” pagdating ng tamang panahon.

Of course he’s referring to his previous relationship with Kim na naging maiskandalo pa nga, lalo na noong umamin sila ni Maja Salvador sa kanilang relasyon. Naging national issue ito nang aminin nina Kim at Maja na nasira ang kanilang friendship dahil kay Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi man bumalik yung dati, masasabi ko namang mas nag-mature na kami (ni Kim). Actually, sasabihin kong we’re building a new friendly relationship now. Burado na yung dati at iba na ito ngayon,” dagdag pa ni Ge.

And yes, he also admitted na “friends” na rin sila ngayon ni Maja. “Maybe in the future,” ang sagot naman ng binata kung gaya ba ni Kim ay puwede na rin silang magkasama sa serye o pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending