KathNiel seryoso na sa pagnenegosyo; todo training na rin para sa La Luna Sangre | Bandera

KathNiel seryoso na sa pagnenegosyo; todo training na rin para sa La Luna Sangre

Julie Bonifacio |May 22,2017
facebook
share this

KathNiel seryoso na sa pagnenegosyo; todo training na rin para sa La Luna Sangre

Julie Bonifacio - May 22, 2017 - 12:05 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

BIGLANG na-excite ang fans ng Box-Office King & Queen Daniel Padilla and Kathryn Bernardo pagkatapos i-announce na matatapos na ang seryeng My Dear Heart sa primetime ng ABS-CBN.

Tantya kasi ng KathNiel fans, ang inaabangang serye nila na La Luna Sangre ang ipapalit sa timeslot ng My Dear Heart. At baka makatapat pa ng Mulawin vs Ravena ng GMA 7.

Magsisimula na raw mag-taping sina Kathryn at Daniel para sa bago nilang serye next week kaya todo na rin ang traning nila para sa mga maaaksyon nilang eksena. Tamang-tama lang daw dahil bago sina Daniel at Kathryn ay may back story muna ang serye kung saan nagmula ang mga characters.

Gaya ng mga napabalita, ang La Luna Sangre ay spin-off ng Lobo nina Piolo Pascual at Angel Locsin at Imortal nina Angel at John Lloyd Cruz ng Kapamilya network.

Nag-taping na raw sina Piolo, Angel at John Lloyd para sa back story ng serye at mapapanood sa first week ng La Luna Sangre. With Piolo, Angel and John Lloyd’s special appearance sa bagong fantaserye ng Dos kaya lalong na-excite ang KathNiel fans.

At habang hindi pa nagti-taping sina Kathryn at Daniel, parehong busy ang magkalabtim sa kani-kanilang career sa pagnenegosyo. Tutok si Daniel as part-owner ng bagong bar called District 8. habang si Kathryn naman ay niregaluhan ang kanyang ina na si Mommy Min ng sariling beauty shop, ang Kath Nails sa SM Block sa North Edsa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending