Andi nagpakumbaba na, pwede nang makipagkasundo kay Jake para sa anak | Bandera

Andi nagpakumbaba na, pwede nang makipagkasundo kay Jake para sa anak

Cristy Fermin |April 30,2017
facebook
share this

Andi nagpakumbaba na, pwede nang makipagkasundo kay Jake para sa anak

Cristy Fermin - April 30, 2017 - 12:15 AM

andi eigenmann at jake ejercito

SA mga nagaganap ngayon sa pagitan nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann ay hindi malayo ang posibilidad na matapos ang kanilang pinagtatalunang joint custody nang paupo at hindi na patayo.

Dahil hindi na umaatake si Andi ay puwedeng makipagkita na lang sa kanya sa gitna ang kampo ni Jake, pag-usapan ang mas makabubuti para sa kanilang anak na si Ellie, na hindi na kailangan pang ihusgado ang usapin.

Puwede namang magpirmahan na lang sila, legal pa rin ang proseso, pero hindi na magagastusan pa sa abogado si Andi na tulad ng kanyang sigaw kamakailan lang.

Wala naman kasing mawawala sa atin kung magbababa tayo ng pride. Sabi nga ay hindi lang naman laway ang nilulunok, ang pride din, para sa ikagaganda ng sitwasyon.

Wala namang mawawala kay Andi, anak niya pa rin si Ellie, kaya lang ay magiging pormal na ang panghihiram sa bata ni Jake.

Walang magbabago sa pagiging ina ni Andi, magputukan man ang lahat ng bulkan sa buong mundo ay siya pa rin ang ina ng bata, kaya lang ay kailangan niya ring respetuhin ang pagiging ama ni Jake.

Kung sinuman ang kumausap kay Andi para magpakumbaba na at i-deactivate ang kanyang Twitter account ay maraming salamat. Pinaigsi nito ang giyerang kinapapalooban ni Andi.

Walang mananalo at matatalo sa kanila ni Jake sa proseso ng kanilang hidwaan, ang kanilang anak na si Ellie ang magsusunong ng kahihiyan, para sa bata ay kailangan nilang magkasundo sa ayaw nila’t sa gusto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending