Coleen, Billy nakapili na ng petsa ng wedding, pero pang lugar | Bandera

Coleen, Billy nakapili na ng petsa ng wedding, pero pang lugar

Ervin Santiago |April 26,2017
facebook
share this

Coleen, Billy nakapili na ng petsa ng wedding, pero pang lugar

Ervin Santiago - April 26, 2017 - 12:10 AM

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

MAY petsa nang napili sina Coleen Garcia at Billy Crawford para sa kanilang wedding sa susunod na taon.

Ngunit ayaw pang magdetalye ang Kapamilya actress tungkol dito, mas gusto raw nilang gawin muna itong pribado. “I don’t want to share it for now but it’s definitely going to be next summer,” ang pahayag ng dalaga na muling mapapanood sa bagong daytime series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin with Gerald Anderson, Kim Chiu and Jake Cuenca.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, natanong si Coleen kung sa La Union o Balesin ba magaganap ang kasalan, ang tugon ng girlfriend ni Billy, “Possibly. I mean we both love the beach but at the same time, we also both love the mountains, we both love gardens so it could be anywhere.”

Kinumpirma naman ng aktres na nagkaroon na sila ng photoshoot sa ibang bansa at magkakaroon din daw sila ng bonggang sorpresa para sa mga tagasuporta ng tambalang BiCol.

Nag-propose si Billy kay Coleen last December at ayon sa TV host-singer, kung ano raw ang dream wedding ng kanyang fiance, ‘yun daw ang masusunod.

Samantala, ibang-ibang Coleen Garcia raw ang mapapanood ng madlang pipol sa Ikaw Lang Ang Iibigin na magsisimula na sa Labor Day (May 1) bago mag-It’s Showtime.

Gaganap siya bilang si Isabelle na ex-dyowa ni Jake Cuenca who will play the role of Carlos. Kung anu-anong panggugulo at pagmamaldita ang gagawin ni Coleen sa serye, ‘yan daw ang dapat n’yong abangan.

Talagang kinailangan niyang mag-prepare para sa proyektong ito at sabayan ang energy at effort ng kanyang mga co-stars. Sa isang panayam nga ay sinabi ni Billy na proud na proud siya sa kanyang girlfriend dahil sa ibinigay at ibibigay pa nitong dedication sa kanyang bagong teleserye.

At wala rin daw problema kay Billy kung magkaroon man ng intimate scenes si Coleen sa kanyang leading man sa programa. Hanggang ngayon ay suportado pa rin ng binata ang career ng kanyang mapapangasawa.

Ang kuwento ng ILAI ay kuwento tungkol sa pagtupad ng pangarap at pagkamit ng tunay na pag-ibig. Bibigyang-pugay din nito ang mga Pilipinong triathlete.

Tutukan ang kuwento nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald), dalawang magkababatang determinadong mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Nangangarap si Bianca na maging triathlete upang masuportahan ang kanilang pangangailangan.

Ganu’n din si Gabriel, na sanay sa laban ng buhay at nabubuhay para sa pamilya. Sa pagtupad nila ng kanilang mga pangarap, mararamdaman din nila ang unang pag-ibig sa unti-unting pagkakalapit ng kanilang mga puso.

Ngunit agad ding magkakalayo ang landas ng dalawa dahil kakailanganing umalis ni Bianca ng probinsya upang maipagamot at maisalba ang buhay ng ama nitong may sakit.

Sa kanilang pagkakalayo, magkaibang karera ang kanilang tatahakin. Ngunit pag-ibig pa rin ang magtatagpo sa kanilang mga landas sa pagkikita nila sa isang triathlete event ng TigerShark, na pinamumunuan ni Carlos (Jake), ang taong hahadlang sa kanilang pagmamahalan.

Si Carlos ang number one triathlete ng bansa – hindi sanay matalo at gagawin ang lahat upang makuha ang tiwala ng ama. Para mapalago ang kanyang kumpanya, kukunin niyang endorser si Bianca. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog ang loob niya sa dalaga, kahit pa humadlang ang dati niyang nobyang si Isabelle (Coleen).

Dito mag-uumpisa ang laban nina Carlos at Gabriel hindi lang sa larangan ng triathlon, kung hindi pati na rin sa puso ni Bianca. Ngunit mas titindi ang kanilang laban sa pagsiwalat ng mga sikreto ng nakaraan na nagbabadyang sumira sa kanilang mga buhay.

Magkasama pa rin kayang matupad nina Bianca at Gabriel ang kanilang mga pangarap? Magtagumpay kaya si Carlos na sirain ang kanilang pagmamahalan? Mapatunayan kaya nilang hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksyon ni Dan Villegas at Onat Diaz, sa panulat nina Noreen Capili at Anton Pelon. Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending