Gustong Maka-jackpot sa Lotto (2)

By Joseph Greenfield March 12,2017
share this

Gustong Maka-jackpot sa Lotto (2)

By Joseph Greenfield March 12,2017
share this

Sula tmula kay Marisol ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija
Problema
1. Mula ng mawalan ng trabaho ang mister ko habang ako naman ay naglalabandera lang nagsimula ng nagkahirap-hirap ang aming pamilya. Upang makaraos at mapag-aral ang apat kong mga anak nangungutang kami kaya sa ngayon baon na kami sa utang. Sa ngayon umaasa na lang kami sa pagtaya-taya sa lotto na isang araw ay baka makasapol kami ng jackpot at ito ang maging daan upan makaahon kami sa kahirapan. Sa palagay n’yo may pag-asa pa kayang tumama ng jackpot ang mga numerong inalagaan ko?
2. At itatanong ko na rin sana kung makapag-aabroad ba ang panganay kong anak natapos ng kursong seaman? Matagal na rin siyang nag-aaplay sa barko pero walang nangyayari. April 28, 1990 ang birthday ng anak kong panganay at December 13, 1971 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Marisol ng Nueva Ecija
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign na Taurus ng iyong anak (Illustration 2.) ang nagsasabing makapag-aabroad siya sa tulong ng isang lalaking mataba. At tulad ng naipaliwanag na sa Cartomancy, sa taon ding ito ng 2017 may isang mabunga at mabiyayang pagbabarko na itatala sa kanyang kapalaran.
Numerology:
Ang birthday mong 13 ay nagsasabing biglang suwerte ang magaganap sa ito sa taong 2019 edad mong 48 pataas, kung saan sa nasabing panahon sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto, masasapol mo na ang kinauuhawan mong jackpot.
Luscher Color Test:
Mapalad naman ang kulay na pula at dilaw. Isuot at gamitin mong lagi ang nasabing kulay upang tuloy-tuloy na masagap at mahigop mo ang magandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Marisol ayon sa iyong kapalaran sa taong ito ng 2017 magsisimula na ang suwerte ng inyong pamilya at ito ay mangyayari sa unang hudyat na pangingibang bansa ng panganay mong anak, at mausundan pa yon ng mas marami pang pagpapala at mga suwerte na magpe-peak sa taong 2019 sa edad mong 48 pataas hanggang 49, kung saan, sa panahong tinuran, masasapol mo na ang jackpot na siyang magpapayaman pa ng husto sa inyong pamilya, kung saan, anumang natamong magandang kapalaran dapat mo rin itong ipamahagi ng lihim sa mga nangangailangan at mahihirap upang magpatuloy pang lalo ang suwerte at mga pagpapa ng inyong pamilya habang buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending