Ethel Booba 3 beses nang niyayang pakasal; masahol pa sa yaya 'pag nagmahal | Bandera

Ethel Booba 3 beses nang niyayang pakasal; masahol pa sa yaya ‘pag nagmahal

Djan Magbanua |February 19,2017
facebook
share this

Ethel Booba 3 beses nang niyayang pakasal; masahol pa sa yaya ‘pag nagmahal

Djan Magbanua - February 19, 2017 - 12:01 AM

ethel booba

GAME na game si Ethel Booba sa mga tanong tungkol sa lovelife, sex, politika at kung anu-ano pa nang mag-guest siya sa “ShowbizLive” last Wednesday night na napapanood at napapakinggan sa Inquirer Radio/TV at sa social media accounts ng BANDERA.

Nakipagchikahan ang sexy comedienne sa “ShowbizLive” host na sina Ervin Santiago at Izel Abanilla as she talks about her book “#Charotism”, ang compilation ng mga pinakanakakatawa niyang tweets.

“Idea ito ng Viva. Puno ng moral lessons ganu’n. Puro positive ito, hindi sa droga, ha. Ha-hahaha! Puro positive thinking,” sey niya.

Objective ng book na magbigay ng saya, lalo na sa isyu ng lipunan na talagang pinag-aawayan ng madlang pipol. Parang kinakain na raw kasi ng sistema ang mga tao, habang sumasawsaw sa bawat isyu kaya dapat daw ay pagaanin na ang feeling ng bawat isa.

Ayon kay Ethel na very visible pa rin ngayon sa mga comedy bar, ikalawang printing na ng kanyang libro, dahil naubos na ang unang 20,000 copies na mabibili pa rin sa National Bookstore.

Diretso niyang sinabi na hindi lang siya ang nagtu-tweet at talagang may team siya na kasama para mag-brainstorm.

“Kasi may mga nag-a-advice din sa akin. May pa-brainstorming ganyan, bago mo bitawan (tweet). Kailangan ganu’n, dapat pinag-iisipan muna bago mo i-click,” aniya.

Sa usaping career, okey naman daw ang takbo ng kanyang karera. Inamin niyang may mga offer siya sa TV at pelikula noon pero tinatanggihan niya dahil feeling niya hindi siya marunong umarte. Pero ngayon daw, may mga pinag-aaralan siyang proyekto na puwedeng bumagay sa kanya. Kasabay nito, inamin niyang isa sa frustrations niya ay ang maging “veteran actress.”

About her lovelife, available raw siya ngayon at dating-dating pa lang, “Available na po. Kunwari nga lang yung book pero ako talaga ‘yung available. Ha-hahaha!” biro ni Ethel.

Pinipilit na rin daw ng seksing komedyana na bawasan na ang pagiging showy sa kanyang lovelife, “Medyo tago na yung personal na buhay ko.”

Ano ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki? “Mahirap sabihin, eh. Pero kailangan may NBI, police clearance kasi mamaya may kaso pala! Ha-hahahaha!”

Wala siyang permanteng type kasi kada taon daw ay nagbabago pero ngayong Year of the Rooster daw ay parang feel niyang magkadyowa uli ng basketball player (naging BF niya noon ang cager na si Alex Crisano).

Bigay-todo rin daw siyang magmahal, aniya, halos magpakayaya siya sa mga nagiging boyfriend niya, “Katulong ganu’n. Yayabells, talagang ipinagluluto ko siya, sinusubuan pa. Ganu’n!”

Mapili na rin siya ngayon pagdating sa lalaki, ayaw na niya sa mga abusadong lalaki, “Meron kasing mga abusado, yung kumukuha na lang basta-basta ng pera sa wallet mo! Ha-hahaha! Gusto mo mag-namedrop na ako? Charot!”

Sa dami ng mga nakarelasyon niya, may nagyaya na ba sa kanya ng kasal? “Nakakatatlo na yata ako (marriage proposals). Tapos yung isa pang guy na taga-Romania. Ang dami ko na ngang singsing! Yung mga friends ko nagtatanong, umoo ka? Oo, kasi baka magpakatiwakal sa harap ko, eh.”

Ang pinakamahirap daw i-handle ay ang mga lalaking iiyakan pa siya kapag ayaw na niya.

May followers din si Ethel sa social media na humingi ng advice kung paano mag-move on sa break-up, “Labas. Labas ka ng bahay. Siyempre hindi ka naman pwedeng magmukmo nang matagal. Enjoy your life!”

Sa politika naman, tinanong si Ethel kung ano ang maipapayao niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maging adviser siya nito, “Gusto ko sana ayusin nila yung problema nila ni Vice-President (Leni Robredo). Kailangang ayusin nila face-to-face (ang problema) kasi puro na lang sila parinigan tapos yung mga troll nanggugulo pa.”

After ng “ShowbizLive” mas wild pa ang naging chikahan ng staff ng BANDERA with Ethal Booba. Pinakuwento namin ang pasabog niyang “sex sa bike” sa Quickie Talk portion ng programa.

May naka-sex daw siya noon sa bike habang namamasyal sila sa PICC, mga 19 years old pa lang daw siya noon, “Tapos may dumaan na mga guard. So, ang ginawa namin parang naglalambingan lang kami kunwari pero nakabukas na yung zipper niya!”

Hindi rin siya nagdyodyowa ng mga chaka ang performance sa kama. Talagang bine-break daw niya agad ang mga ganitong klase ng lalaki.

Quickie Talk With Ethel Booba

Panty or bra: Bra

Tisoy or moreno? Tisoy

Gwapo pero slow o chaka pero intelligent? Chaka pero intelligent. Sobrang gwapo nga tapos walang talent sarap batukan!

Beach or theme park? Beach

Balbon or walang hair? Wala

Quickie or foreplay? Foreplay

Bedroom or comfort room? Bedroom

Kung ulam ka ano ka? Papaitan
Masaya ako kapag ____? Umuulan! Nadidiligan kasi! Ha-hahaha!

Gustong gusto kong mag ____ sa gabi? E, di ano! Yun na yun!

Unang ginagawa paggising? ’Yun pa rin!

Unang ginagawa bago matulog? Siyempre ganu’n pa rin. Ha-hahaha!

Adik na adik ako sa ____? Sausage

Male celebrity na gustong maka-lovescene? Tinatanong pa ba yan? Piolo Pascual.

Female star na gustong sampalin sa teleserye? KC Concepcion

Three sexiest men sa local showbiz? Piolo, Sam Milby

Kung bibigyan ka ng powers anong unang iso-solve mong problema sa Pilipinas? Drugs

Unang itatanong kay Duterte pag nakaharap mo siya? I miss you. Charot! Do you miss me? Charot! Ha-hahaha!

Importante ba sa ‘yo ang size? Yes!

Wit or bet: President Digong? Bet

Mocha Uson? Bet

Leni Robredo? Wit

CBCP? Bet na lang, mahirap na!

Gen. Bato? Bet

Kinikilig ako kapag? Nakikita ko si crush.

Badtrip ako kung? Traffic

Lambitin o dapa? Lambitin!

Harap o likod? Ay, gusto ko i-try likod!

Fast and rough or slow and sweet? Slow and sweet

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sapak or sampal? Sapak na!

Wildest place you had sex? Sa bisekleta. Sa PICC.Yung mga one hour na rent! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending