Jaclyn Jose dismayado sa ABS-CBN; ipinagtanggol si Andi
DISAPPOINTED ang Kapuso actress na si Jaclyn Jose sa ABS-CBN dahil hindi raw inilabas ng Kapamilya Network ang balita tungkol sa pagkapanalo ng anak niyang si Andi Eigenmann sa 64th FAMAS Awards bilang Best Actress last Sunday.
Si Andi ang nagwaging best actress para sa bagong version ng classic movie na Angela Markado kung saan gumanap siyang biktima ng gang rape. Unang nagbida sa original version nito si Hilda Koronel.
Sa Facebook post ng aktres ay pinasalamatan nito ang kanyang magulang sa natanggap na tropeo, “Maraming salamat sa aking nanay at tatay, dahil ito ay nang dahil sa inyo! Ang parangal na ito ay para sa aking pinakamamahal na Nanay. At sa lahat ng kababaihan, lalo na sa mga nakaranas ng kahit anong klase ng pang-aabuso.”
Dito na nga nag-comment si Jaclyn tungkol sa “pang-iisnab” diumano ng Kapamilya Network sa pagkapanalo ng kanyang anak sa FAMAS. Sabi ng award-winning actress, “Andi, I was so disappointed with your network na hindi man lang linabas sa news ang pagkapanalo mo.
“Nevertheless, you are a winner in my heart. In Ellie’s heart. You have your trophy. I hope your network will recognize your win. I love you most.”
Ilang oras matapos magpahayag ng kanyang saloobin si Jaclyn, tila pinakinggan naman ng ABS-CBN ang kanyang hinaing. Sa programang Tonight With Boy Abunda ay inilabas ang ulat ng pagkapanalo ni Andi bilang best actress sa FAMAS. Ayon naman sa ilang netizens, baka raw nauna lang ang reklamo ng aktres at talagang nakatakda nang ibalita ng Dos ang winning moment ni Andi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.