Ruffa maraming pasasabugin sa ginawang libro
INILABAS na ni Ruffa Gutierrez ang cover ng ginawa niyang libro, ang “Truth & Lies My Mother Told Me” sa kanyang Instagram account kahapon. Natural, siya ang cover at ang book raw niya ay modern woman’s guide to finding love today.
Ayon kay Rufing, this week ilalabas ang book niya. Saad pa niya sa caption, “Behind every successful woman is a tribe of other successful women who have her back.”
Sa iba pang posts niya sa IG account, throwback ang pictures nu’ng bata pa siya habang ‘yung isa ay kasama niya ang brother na si Elvis.
Bongga kung may part sa book ng love story nila ng ex-husband na si Ylmas Bektas at current BF na si Jordan Mouyal. Pero kaabang-abang kung anu-ano ang sinasabi niyang katotohanan at kasinungalingang na ikinuwento sa kanya ng inang si Tita Annabelle Rama, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.