Video nina Baron at Kiko kasama ang 2 seksing babae mabilis na kumalat sa internet | Bandera

Video nina Baron at Kiko kasama ang 2 seksing babae mabilis na kumalat sa internet

Ervin Santiago |October 08,2016
facebook
share this

Video nina Baron at Kiko kasama ang 2 seksing babae mabilis na kumalat sa internet

Ervin Santiago - October 08, 2016 - 12:20 AM

baron geisler at kiko matos

TAWA kami nang tawa sa kumalat na video nina Kiko Matos and Baron Geisler kahapon sa social media. Pati kasi ang dalawang tigasing aktor ay na-hook na rin sa trending pa ring “Pen Pineapple Apple Pen” dance craze.

Pareho pang nakahubad sina Kiko at Baron sa video na aakalain mong sasabak muli sa bakbakan ngunit pinatunayan ng dalawang aktor na meron din silang funny side.

Kasama nila sa nasabing PPAP video ang dalawang model na sina Nancy Leonard at Maria Martinez.

Nag-trending agad sa social media ang nasabing video at karamihan sa nga nagkomento rito ay nagsasabing natutuwa sila dahil naging magkaibigan na ang dalawang aktor matapos magkabugbugan noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending