Horoscope, September 28, 2016 | Bandera

Horoscope, September 28, 2016

Madam Sophia |September 28,2016
facebook
share this

Horoscope, September 28, 2016

Madam Sophia - September 28, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang magtuloy-tuloy ang dating ng marami pang suwerte, wag hayaan pangibabawaan ng katigasan ng ulo. Sundin kung ano ang tama, sa ganyang paraan lalo kang unlad at sasagana. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag masyadong maging mahilig sa pagkain. Mentras sexy ka at mahaba ang buhok, maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, mag-exercise upang hind imaging chubby at ng hindi ka iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Maroon at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Piliin ang mga taong pagkakatiwalaan suwerte ka sa mga nilalang na isinilang sa petsang 7, 16, 25, 6, 15, at 24. Sa pag-ibig, kusa kang maa-attract sa mga may zodiac sign na Virgo, Capricorn at Scorpio. Ang mga petsa sa itaas ang siya ring mapalad mong numero. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Yellow at gold ang bueans
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang pairalin, gumamit ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag tularan ang pagong, hindi lumalabas ng kanyang kanyang bahay. Mas madadagdagan ang oportyunidad ng pagkakakitaan kung makikihalubilo sa lipunan. Sa pag-ibig sa isang social gathering mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang mga mahal sa buhay. Imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan at pinagkakakitaan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Panindigan ang ano mang dati mo ng sinabi. Lagi mong tuparin ang ipinangako sa minamahal. Sa pinansiyal, ang pagtitipid ang susi ng isang maunlad na bukas. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung mapapanatili mo ang iyong kagandahan, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung maliligo araw-araw, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Lalong mag-aapoy ang dati ng maiinit na relasyon. Mapalad ang 6, 12, 28, 31, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Orange at red ang buenas
Scorpio – (October 24 – November 21) — Huwag babagal-bagal. Competition ang susi upang umunlad at magtagumpay. Sa pag-ibig hindi masama kung patuloy mong ipaglalaban ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Blue at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa ibang bansa, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Tiisin munang malayo sa pamilya kailangan mong gawin iyan para sa inyong kinabukasan. Mapalad ang 4, 15, 25, 34, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pranave-Beeja-Om.” Beige at green ang buenas
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi dapat magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Sa pag-ibig panahon na upang lumigaya. Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad bumili ng bagong cell phone o kaya’y tablet. Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Susubukin ka ng kapalaran, sa sandaling napagtiisan mo ang lahat ng hirap, sa pag-ibig may ligaya pang naghihintay, habang sa pinansyal, tuloy-tuloy ka ng yayaman. Ang mahalaga sa ngayon kahit ano ang mangyari, wag kang susuko. Mapalad ang 4, 8, 25, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag sugod ng sugod! May manghihikayat na naman sa iyo para madagdagan ang iyong kinikita, may babala na ma-racket ka na naman. Sa pag-ibig hinay-hinay lang sa pag-ibig may babala na muli ka na namang masasaktan. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Maroon at purple ang buenas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending