Kris pinagtsitsismisan sa ABS-CBN; pera-pera lang ang laban | Bandera

Kris pinagtsitsismisan sa ABS-CBN; pera-pera lang ang laban

Cristy Fermin |August 25,2016
facebook
share this

Kris pinagtsitsismisan sa ABS-CBN; pera-pera lang ang laban

Cristy Fermin - August 25, 2016 - 12:35 AM

kris aquino

KAHIT saan ngayon ay paboritong paksa si Kris Aquino. Pero hindi kagandahan ang mga komentong maririnig tungkol sa aktres-TV host dahil sa ginawa niyang paglundag ng bakod.

Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na ang spoiled TV host ng ABS-CBN ay makikita na lang natin na nasa kalabang istasyon na pala? Maraming ginulat si Kris.

Nagkita kami nang hindi sinasadya ng isang grupo ng mga production people na dating katrabaho ng aktres-TV host, kahit sa panaginip pala ay hindi rin naisip ng tropa na kakabilang-bakod si Kris, ayaw pa nga raw nilang maniwala nu’ng unang pumutok ang balita.

“Naging topic siya sa buong network nu’ng lumabas ang kuwentong pumirma na siya ng contract sa APT Entertainment. Lahat kami, nagulat, ang layu-layo kasi sa isip namin na puwede niyang gawin ‘yun!

“Kumbaga kasi, e, sa Dos na siya nagdalaga, du’n na siya nagkaanak, du’n na siya nagkapamilya nang ilang ulit, di ba? Ayaw pa naming maniwala, hanggang sa na-confirm na nga namin na wala na pala siya sa ABS-CBN,” kuwento ng grupo.

Natural, pinagpistahan ang kuwento, nagtatanungan ang lahat sa Dos kung bakit lumipat si Kris. Nagsanga-sanga na ang kuwento, naunang lumabas ang istorya ng hindi pagpayag ni Kris sa isang taong kontrata lang dahil ang gusto niya ay limang taon.

Hindi rin kagaya nang dati ang matatanggap niyang talent fee, kalahati na lang, ganu’n na raw ang kalakaran ngayon para sa mga artistang may guaranteed contract sa kumpanya.

Ang naiwanang impresyon tuloy ni Kris sa dati niyang home network ay pera-pera lang pala ang laban ng lahat para sa kanya. Wala palang halaga para sa aktres-TV host ang espesyal na pag-aalagang ibinigay sa kanya nang maraming taon ng ABS-CBN. Ganern.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending