Makapag-aasawa pa ba? (2) | Bandera

Makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield |July 27,2016
facebook
share this

Makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield - July 27, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Irish ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,
1. Masasabi ko pong isa na rin akong matandang dalaga sa ngayon dahil sa darating na August 28 ay 41 years old na ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa kahit na sa ngayon ay wala naman akong boyfriend o karelasyon. Meron po akong BF kaya lang sa internet lang at hindi naman kami seryoso sa isa’t-isa at hindi naman kami nagkikita.
2. Kami na ba ang magkakatuluyan at kapag nagkita kaya kami hindi kaya magbago ang isip nya sa akin? Hindi ko pala nasabi, ang boyfriend ko pong ito sa internet ay isang Canadian citizen at malapit nang mag-isang taon ang aming relasyon.
Umaasa,
Irish Cavite
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing kung isang Pisces, Taurus o kaya’y Capricorn ang zodiac sign ng boyfriend mo sa internet na isang foreigneray tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing kung ang boyfriend mong foreigner na nakilala mo sa internet o sa social media ay isinilang sa petsang 8, 17, 26, 5, 14, 23, 4, 13, 22, o kaya’y 31, compatible kayo at kayo na nga ang magkakatuluyan at nakatakdang magkaroon ng isang maunlad at pang habangbuhay na pamilya.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang iyong suwerte at makarating ka sa ibang bansa, lagyan mo ng buntot na bilog ang letrang “y” sa iyong apilido at tapusin mo ang dulong bahagi ng iyong lagda, sa pasibat-paitaas na stroke. Sa ganyang paraan, kahit na 41 na ang iyong edad, magkakaroon ka pa ng isang masarap na sexual life at magkakaroon ng malusog at cute na mga anak.
Huling payo at paalala:
Irish, ayon sa iyong kapalaran, kahit 41 na ang edad mo sa kasalukuyan, siguradong makapag-aasawa ka pa rin, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na T.C. Ito ay wala na ngang iba kundi ang boyfriend mo sa internet na isang foreigner. Ang nasabing pag-asawa ay magdudulot sa iyo at sa inyong pamilya ng pag-unlad na pangmateryal at panghabangbuhay na ligaya, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2017 sa buwan ng Disyembre sa edad mong 42 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending