Pagdidirek ni Brillante Mendoza sa SONA pinuri ng netizens
PINURI at pinuna ang pagdidirek ni Brilliante Mendoza sa unang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte nu’ng Lunes.
Unlike sa mga nakaraang SONA na steady lang at walang ibang anggulo ang isang Presidente sa pagde-deliver ng speech, ginamitan ni Mendoza ng iba’t ibang anggulo ang camera habang nagsasalita siya. “It’s not only the Philippines that has changes even the SONA did. It’s the most cleaniest angles ever in the SONA history. Congrats Direk Dante @brilliante_mendoza (hugs)!!!” komento ng isang netizen sa Face Book account niya.
Nagpaabot din ng papuri ang director na si Perci Intalan, “He was asked to do something different. He did it differently. Whatever our opinion of how it turned out, he did what he was asked to do and he made you feel that change is here. “So hats off to you Direk Brilliante Mendoza. I know it wasn’t an easy task and it was indeed a tall order. But you broke convention and that indeed captures the spirit of this new administration.”
Meron ding pumuna sa camera shots, hindi raw nabigyan ng emphasis sa camera ‘yung moments na kailangang i-focus ito sa mukha ni PDigong. Pumalpak nga lang ang sound system sa pagkanta ng “Lupang Hinirang” ni Bayang Barrios, huh! Buti na lang, alam ng nasa Session Hall ang pambansang awit.
At least, sa pagkuha kay direk Dante bilang director ng SONA ni PDigong, may taga-showbiz nang puwedeng bumulong sa presidente natin na bigyan ng mas malaking budget ang pelikulang makakasali sa Oscar Awards, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.