Yul Servo, Dina Bonnevie sa orientation ng Kamara
Leifbilly Begas - Bandera June 23, 2016 - 03:13 PM
Natapos na ang apat na araw na Executive Course on Legislation ng 38 kongresista na una sa tatlong batch ng mga kongresista na tuturuan kung ano ang ginagawa sa Kamara de Representantes.
Kasama sa mga nagtapos si Manila congressman-elect John Marvin ‘Yul Servo’ Nieto na nagsabing tatangkain niyang maging batas ang mga naipasa niyang ordinansa upang mapakinabangan ito ng buong bansa.
Si Nieto ay dating konsehal ng Maynila.
Nagtapos din si Ilocos Sur Rep.-elect Deogracias Victor “DV” Savellano, ang mister ng aktres na si Dina Bonnevie.
“The executive course is a very helpful. We have to undergo this training even though we were experienced member of the Sangguniang Panlalawigan. My work now has a wider, national scope,” ani Savellano.
Kasama ni Savellano si Bonnevie kahapon sa Kamara de Representantes.
“I have seen him work as vice governor. Maybe now, things will be different. He will make me work more in implementing projects for women, to provide livelihood,” saad ng aktres.
Agad namang isusulong ni Pwersa ng Bayaning Atleta Rep.-elect Jericho “Koko” Nograles ang pagtatayo ng Department of Sports and Culture at Philippine Sports Academy.
Ang ikalawang batch ng orientation ay sa Hunyo 27 hanggang 30 at ang ikatlo ay sa Hulyo 4 hanggang 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending