Denise Laurel kanselado ang kasal sa PBA player ngayong 2016: Next year na po, 2 wedding pa!!! | Bandera

Denise Laurel kanselado ang kasal sa PBA player ngayong 2016: Next year na po, 2 wedding pa!!!

Ambet Nabus |May 25,2016
facebook
share this

Denise Laurel kanselado ang kasal sa PBA player ngayong 2016: Next year na po, 2 wedding pa!!!

Ambet Nabus - May 25, 2016 - 02:00 AM

denise laurel at sol mercado

HINDI naman siguro mauuwi sa tuluyang pagkansela ng kasal nina Denise Laurel at PBA star Sol Mercado.

“We simply need more time to prepare,” sey ni Denise sa ibinalita niyang hindi nga ito magaganap this year dahil pareho nilang napagkasunduan ni Sol ang magkaroon ng “wonderful wedding.”

In fact, dalawang weddings nga raw ang magaganap next year dahil nais nilang pagbigyan ang mga kapamilya nilang members ng parehong Catholic at Christian groups. Saradong Katoliko si Denise habang Christian naman si Sol.

Career-wise ay parehong nagsisikap ang dalawa na mas maging matagumpay. After nga ng stint ni Denise bilang Your Face Sounds Familiar big winner, magiging bahagi siya ng cable channel Lifestyle’s new magazine talk show Modern Girls, kasama nina Sam Oh at Gretchen Ho.

Si Sol sa kabilang banda ay naghahanda rin para sa susunod na season ng PBA bilang bahagi pa rin ng Barangay Ginebra.

q q q

PBA pa rin ang usapan – very humble namang inamin ni Paul Lee, na halos nawalan na siya ng lakas ng loob kung makakabalik pa siya after niyang ma-injure early this season.

Si Lee na siyang nanalong MVP of the Finals sa katatapos na championship series ng team niyang Rain or Shine (Elasto Painters) laban sa Alaska, ay umaming nagkaduda sa sariling galing lalo pa’t “malupit” ang mga salita sa kanya ng netizens. Sey nito sa isang panayam, “Minsan pag matutulog na ako parang (nag-iisip ako) ‘anong nangyari sayo?’ Siyempre may nababasa ka, yung sinasabi sa yo, ‘ano nangyari sa yo wala na yung dating laro mo?’

Aminado ang magaling na player na nasasaktan siya at mga kapamilya niya, pero wala naman daw siyang magagawa kundi tulungan ang sarili. “Talagang sinikap kong ibalik yung tiwala sa sarili. Mabuti na lang yung mga teammates ko at si coach Yeng (Guiao), laging nakaalalay kaya malaking pasasalamat ko sa kanila,” dagdag pa ni Paul.

Meanwhile, balita namang anytime soon ay manganganak na ang asawa ni Chris Tiu, teammate ni Paul sa Rain or Shine. Soon to be first time dad na nga ang magaling ding basketbolista na host din ng mga programa sa GMA 7 at TV5 at isang magaling na negosyante. Ito nga ang mismong nakiusap sa mga social media fans and supporters nila na ipag-pray ang safe delivery ng baby nila. Congrats nga po uli!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending