Solenn Heussaff nagpakasal na sa dyowang foreigner sa France | Bandera

Solenn Heussaff nagpakasal na sa dyowang foreigner sa France

Ervin Santiago |May 23,2016
facebook
share this

Solenn Heussaff nagpakasal na sa dyowang foreigner sa France

Ervin Santiago - May 23, 2016 - 02:00 AM

solenn heussaff at nico

KASAL na ang Kapuso singer-TV host na si Solenn Heussaff sa kanyang fiance, ang Argentine hunk na si Nico Bolzico.

Naganap ang intimate wedding ng dalawa sa Eglise Notre Dame de Combourg sa France na dinaluhan ng kanilang respective families at mga malalapit na kaibigan.

Ang ama ni Solenn na si Louis Paul walked ang naghatid sa Kapuso actress sa altar para ibigay na ang kamay nito sa kanyang magiging son-in-law.

Ilan sa mga tumayong abay sa kasal ay ang mga kaibigan ni Solenn na sina Anne Curtis with boyfriend Erwan Heussaff, Liz Uy, Isabelle Daza at Georgina Wilson kasama ang kanilang mga dyowa at ai Bea Soriano-Dee.

Kung matatandaan, nauna ng nabalita ang pagpapakasal ng dalawa sa Argentina noong Dec. 30, 2015 pero nilinaw nina Solenn at Nico na isa lamang itong celebration of union at hindi pa talaga wedding.

Nag-propose si Nico sa Kapuso actress at naging engaged noong Dec. 10, 2014. Sa huli namang panayam kay Solenn, wala raw magbabago sa takbo ng showbiz career niya rito sa Pilipinas kahit na may asawa na siya. Wala rin daw siyang sine-set na limitations sa pag-aartista ngayong kasal na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending