Alden ginamit ang style ni Bossing kaya nahalikan sa lips si Maine | Bandera

Alden ginamit ang style ni Bossing kaya nahalikan sa lips si Maine

Djan Magbanua |March 05,2016
facebook
share this

Alden ginamit ang style ni Bossing kaya nahalikan sa lips si Maine

Djan Magbanua - March 05, 2016 - 04:39 PM

alden maine

ESPESYAL ang inihandang mga regalo ni Alden Richards kay Maine Mendoza para sa 21st birthday ng dalaga. Ginanap sa Eat Bulaga ang selebrasyon ng kaarawan ni Yaya Dub na dinaluhan din ng kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Ayon kay Alden, talagang pinag-isipan niya ang mga ibibigay niyang gift sa kanyang ka-loveteam. Limang regalo na sumisimbolo sa limang letra ng pangalan ni Maine ang kanyang inihanda para sa kaarawan ng dalaga: ang St. Benedict’s medallion, love birds, isang caricature nilang dalawa, at notebook at pen.

May isa namang nasa isang maliit na kahon na hindi niya pinabuksan sa dalaga dahil ayon kay Alden, “For your eyes only ito.” Sabi pa ni Alden, “Pag handa ka na ako magsusuot nito sa ‘yo.”

Mas lalo namang kinilig ang AlDub Nation nang mag-lips-to-lips sina Alden at Maine. Sa pisngi lang dapat hahalikan ni Yaya Dub si Alden ngunit biglang humarap ang binata kaya saktung-sakto ang paglapat nang kanilang mga labi.

Tukso nga ng mga Dabarkads, aral na aral daw si Alden kay Vic Sotto dahil ganito rin ang ginawa ni Bossing nu’ng halikan siya ni Pauleen Luna. Pagkatapos ng kissing scene, nagulat si Alden at  biglang nagtago nang umapir sa stage ng Eat Bulaga ang buong family ni Maine.

“Alden! I need an explanation! You have 24 hours!” pabiro pang galit-galitan ng mommy ni Maine. Nagbigay din ng kani-kanilang birthday message ang bawat miyembro ng pamilya ni Maine at halos lahat sila ay nagpahayag ng kanilang pagboto kay Alden para kay Maine. Kaya ang nasabi na lang ni Alden sa harap ng milyun-milyong AlDub fans ay, “Yes!”Narito naman ang birthday message ni Alden para sa kanyang ka-loveteam, “Alam ko marami tayong ‘destructors’. Minsan dahil sa mga destructors na ‘yon pati tayo hindi nagkakaintindihan. Gusto ko sabihin sa iyo na lahat gagawin ko, mga wish mo, wish mo sa akin, wish mo sa ating dalawa, gagawan ko ng paraan ‘yan, Maine. “Tsaka kahit nasaan ka pa darating ako. Happy birthday, Maine,” dagdag ng Pambansang Bae.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending