Luis hiniwalayan daw si Angel nang magsisigaw sa parking lot | Bandera

Luis hiniwalayan daw si Angel nang magsisigaw sa parking lot

Alex Brosas |February 26,2016
facebook
share this

Luis hiniwalayan daw si Angel nang magsisigaw sa parking lot

Alex Brosas - February 26, 2016 - 12:00 PM

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

NASULAT sa isang popular website na posibleng naghiwalay sina Angel Locsin at Luis Manzano dahil sa selos.

Itsinika sa website na manonood dapat ng isang foreign film sina Angel at Luis.

Nauna yata ang binata sa sinehan at nakita raw nito ang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Since gentleman naman si Luis ay binati niya ang ex pati na ang pamilya ito. Pero mas tsinika raw nito ang madir ni Jen.

Nang dumating si Angel ay may nakapagsabi yata sa kanya ng eksena nina Jen at Luis. Hindi siya nagpahalatang nagselos at nanood pa rin sila ng sine.

Nang matapos na ang movie at nasa parking lot na sila ay nagsisigaw daw itong si Angel kay Luis.

Naloka ang anak ni Vilma Santos pero hindi na raw nito pinatulan ang dalaga.

Later on, na-realize raw ni Angel ang kanyang pagkakamali at nag-sorry na ito kay Luis. But it’s too late. Nawalan na raw ng amor sa kanya ang binata kaya tuluyan na siyang iniwan.

True ba ito, Angel, Luis? Pakisagot nga! Napakarami na kasing naglalabasang rason kung bakit kayo nag-break, ‘no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending