Richard kinontra si Derek: Ako ang unang choice sa Panday! | Bandera

Richard kinontra si Derek: Ako ang unang choice sa Panday!

Ervin Santiago |February 10,2016
facebook
share this

Richard kinontra si Derek: Ako ang unang choice sa Panday!

Ervin Santiago - February 10, 2016 - 02:00 AM

richard gutierrez

“MATAGAL akong nawala pero eto na ‘yun, I’m here and I’m here to stay!”  Ito ang pahayag ni Richard Gutierrez kahapon nang humarap mga miyembro ng sa entertainment media sa grand press launch ng bagong teleserye niya sa TV5, ang TV remake ng Ang Panday.

After almost three years ng pamamahinga sa paggawa ng teleserye at pelikula, muli ngang mapapanood si Richard sa napakabonggang proyektong ito ng Kapatid Network na mapapanood na sa Feb. 29.

Bukod sa cast members ng Ang Panday at sa direktor nitong si Mac Alejandre, present din sa presscon ang award-winning novelist-director na si Carlo J. Caparas na siyang lumikha kay Panday na unang isinapelikula ni yumaong Da King Fernando Poe, Jr..

In fairness, sa trailer pa lang ng Ang Panday kitang-kita na kung gaano kalaki ang budget nito at kung paano ito pinaghandaan ng produksiyon. Tama ang sinabi sa amin ni direk Carlo Caparas sa una naming panayam sa kanya na hindi basta-basta ang modernized version ng Ang Panday.

Ayon kay Richard, talagang hindi siya makapaniwala nang i-offer sa kanya ng Viva Entertainment at ng TV5 ang nasabing proyekto, isang dream come true para sa kanya ang gumanap sa iconic charater na Flavio na alam naman nating pangarap din ng halos lahat ng aktor.

“Siyempre, may pressure when I got the phone call. Actually, medyo matagal nag-sink in sa akin, na ‘Totoo ba ito, gagawin ko ‘yung Panday?’ alam mo ‘yun, but nu’ng na-realize ko na this is the right project, this is the right time and from the moment na nakausap ko si direk Carlo J. Caparas, si Boss Vic del Rosario, the moment they confirmed na ako na ang susunod na Panday, from that day on until now, I haven’t stopped working hard.

“I prepared for the show and I’m surrounded by very supportive people, brilliant minds, so I’m very confident sa show na ito. “And it’s timing, perfect timing. Matagal nga akong nawala pero eto na ‘yun, I’m here and I’m here to stay,” chika pa ni Richard.

Hirit pa ng partner ni Sarah Lahbati, wala siyang regrets kahit more than three years siyang nawala sa eksena dahil aniya, kinailangan din niya ang break na ‘yun from showbiz. “Nagkaroon ako ng maraming oras sa pamilya ko, sa sarili ko. Nakita ko ‘yung totoong mga tao sa paligid ko at nare-evaluate ko ‘yung buhay ko and I needed that.

Nakapag-travel ako, maraming mga realizations na nangyari sa akin at ngayon, I’m back and I’m ready,” esplika ng bagong Panday. Tungkol naman sa sinabi ni Derek Ramsay na siya ang original choice for Ang Panday pero tinanggihan niya, iba naman daw ang alam ni Richard, “Well, iba ang pagkakakuwento sa akin ni direk Carlo.

Narinig natin today kay direk na ako ‘yung first choice. “Pero nagpapasalamat ako kay Derek dahil sa mga interviews niya, nababanggit niya ‘yung Panday at extra publicity sa amin ‘yun. Pero alam naman natin na teritoryo ko ang fantaserye,” sey pa ni Richard.

Tatlo agad ang leading ladies ni Richard sa Ang Panday – sina Sam Pinto, Bangs Garcia at Jasmine Curtis-Smith. Pero sabi ni direk Carlo, meron pang isang aktres ang papasok sa kalagitnaan ng serye na magiging kapartner din ni Richard.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang award-winning actor namang si Christopher de Leon ang gaganap na Lizardo sa serye na siyang mortal na kaaway ni Flavio. Kasama rin dito sina Empoy Marquez, Regine Tolentino, Alonzo Muhlach, CJ Caparas, Ara Mina at marami pang iba.

Mapapanood na sa darating na Feb. 29 ang Carlo J Caparas’ Ang Panday, Lunes hanggang Biyernes, 9 p.m. pagkatapos ng PBA sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending