Biyuda, makapag-aasawa pa ba? | Bandera

Biyuda, makapag-aasawa pa ba?

Joseph Greenfield |February 09,2016
facebook
share this

Biyuda, makapag-aasawa pa ba?

Joseph Greenfield - February 09, 2016 - 02:10 PM

Sumat mula kay Dinah Looc Pier Site, Allen, Northern Samar
Dear Sir Greenfield,
Taong 2013 ng ako ay mabalo sa aking asawa, naaksidente kasi siya sa motorsiklo. Sa ngayon nag-iisa na ako sa buhay, pero napagtapos ko na ng pag-aaral ang dalawang anak namin na puro lalaki. Kaya naman dapat lang marahil na ang sarili ko naman ang aking asikasuhin. Gusto kong mag-asawang muli Sir Greenfield, kaya naisipan kong sumulat sa inyo, upang itatanong kung muli kaya akong makapag-aasawa. Kung makapag-aasawa pa ako, sino kaya ang lalaking ito at kailan ko makikilala o kakilala ko na ba siya sa ngayon? November 13, 1969 ang birthday ko at may nanliligaw sa akin na isinilang noong July 7, 1970 na isang matandang binata, compatible kaya kami at siya na kaya ang makakasama ko habang buhay?
Umaasa,
Dinah Northern Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos magpatihulog pababa ang naunang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.), malaya namang umusbong ang ikalawa at mas mahabang Marriage Line (arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, napakalaki at napaka-ganda ng tsansa na sa ikalawang pagkakataon muli kang makapag-aasawa.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Ten of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking halos kasing edad mo rin na kasalukuyan mo ng kakilala ang makaka-relasyon mo sa taon ding ito ng 2016.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending