Hubert Webb pinakasalan na ang Chef na nakilala niya noon sa Munti | Bandera

Hubert Webb pinakasalan na ang Chef na nakilala niya noon sa Munti

Ervin Santiago |February 08,2016
facebook
share this

Hubert Webb pinakasalan na ang Chef na nakilala niya noon sa Munti

Ervin Santiago - February 08, 2016 - 02:00 AM

ubert webb

IKINASAL na ang anak ni da-ting Sen. Freddie Webb na si Hubert Webb sa kanyang non-showbiz fiancee nitong Sabado.

Noong 2014 nag-propose si Hubert sa nasabing girl na nakilala niya habang nakakulong pa siya noon sa New Bilibid Prison in Muntinlupa City, ngunit ngayon lang natuloy ang kanilang wedding.

Naganap ang kasalan sa St. Andrew Cathedral sa Parañaque City na dinaluhan ng pamilya ng bride and groom pati na rin ng kanilang malalapit na kaibigan.

Kung matatandaan sa na-ging panayam ng Kris TV kay Hubert (2012), nakiusap ito na kung maaari ay itago na lamang ang identity ng kanyang karelasyon dahil very private raw ang family nito.

Pero ayon kay Hubert isa raw itong chef at anim na taon na mas bata sa kanya, “It’s like meeting someone you know you can spend the rest of your life with,” ang sabi pa ng anak ni Freddie Webb sa interview ni Kris Aquino.

Natatakot din noon si Hubert na pakasalan ang girl dahil nga sa naging buhay niya noon sa kulungan dahil sa Vizconde massacre case. Aniya pa noon, “You have to be able to provide for the girl.”

In fairness, napakaswerte talaga ni Hubert dahil sa kabila ng 15 taong pagkakakulong (na-acquit noong 2010) ay muli siyang nakabangon at nakapagsimula uli, at nakatagpo po ng babaeng pwede niyang maging “forever”.

(Photo credit to Pinky Webb Instagram)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending