2016 may 'sumpa' sa mga magdyowa sa showbiz; 3 pares agad ang naghiwalay | Bandera

2016 may ‘sumpa’ sa mga magdyowa sa showbiz; 3 pares agad ang naghiwalay

Jobert Sucaldito |January 30,2016
facebook
share this

2016 may ‘sumpa’ sa mga magdyowa sa showbiz; 3 pares agad ang naghiwalay

Jobert Sucaldito - January 30, 2016 - 03:00 AM

ZANJOE MARUDO, BEA ALONZO, ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

ZANJOE MARUDO, BEA ALONZO, ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

NAKAKAHILO ang mga hiwalayan-issues amongst local celebrities lately. Naunang na-announce ang paghihiwalay nina Zanjoe Marudo and Bea Alonzo na sinundan naman ng break-up nina Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz.

After them, pumutok naman ang chika na break na sina Angel Locsin and Luis Manzano na tinaasan lang ng kilay ng marami dahil parang gimik lang daw ito sa current movie ni Angel. Kahit ako ay nagduda sa veracity ng kuwentong ito until someone confirmed it sa amin na talagang wala na silang dalawa.

What’s happening to this business? May hiwalayan-fever ba? Huwag naman sana mangyari sa buhay namin and our respective partners. Ha-hahaha! Nakakatakot ha! Mahirap pa naman pag puso ang nasusugatan, di ba?

“Hindi lang naman sina Angel and Luis ang naghiwalay, eh. Iniwan na rin ni Angel ang manager niyang si Manay Ethel Ramos. Si Tita Malou Santos na at ang Star Cinema ang mamamahala sa career niya. Ang dinig ko ay sa commercial endorsements na lang ni Angel kasali si Manay Ethel. Sa movies and TV ay wala na siya,” sabi ng aming source.

Ang dami palang ganap lately sa showbiz kaya naniniwala na akong wala talagang forever kahit saan. Ha-hahaha! Parang hindi nga maganda ang pasok ng Bagong Taon sa mga showbiz couple. Parang may “sumpa”, di ba? Ika nga ni Barbra Streisand sa kaniyang awitin “some good things never last”. Kabaliw, ‘no?

Sabi namin, we will just wait for either Angel or Luis to comment on this, sana ay magsalita na ang isa sa kanila kung totoong hiwalay na sila or not. Kasi the public wants to know. Hindi naman nila kailangang mag-elaborate pa or idetalye pa ang reason ng kanilang paghihiwalay – enough na lang na malaman nila kung totoo o hindi.

Mas mahihirapan sila pag naglabasan pa ang iba’t ibang teorya sa kanilang break-up, mahirap na yang i-damage control. Habang maaga pa, I hope one of them stands up and speak. Tama? Sila rin. Hmp!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending