Pia type maka-loveteam si Sam sa pelikula | Bandera

Pia type maka-loveteam si Sam sa pelikula

Reggee Bonoan |January 29,2016
facebook
share this

Pia type maka-loveteam si Sam sa pelikula

Reggee Bonoan - January 29, 2016 - 03:00 AM

PIA WURTZBACH AT SAM MILBY

PIA WURTZBACH AT SAM MILBY

GRABE, nagbunyi ang mga supporter ni Sam Milby kahapon habang tinitipa namin ang kolum na ito bossing Ervin dahil sinagot ni 2016 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ang tanong sa kanya ng isang netizen na may hashtag na #askmissuniverse.

Kung sakaling bibigyan siya ng chance na gumawa ng pelikula, sino raw ang gusto niyang maging leading man na agad niyang sinagot ng, “Sam Milby;) – Pia #askmissuniverse!”

Kaagad na kumalat sa social media ang sagot na ito ni Pia na ilang beses na-share at ni-retweet ng Milby fans.

In fairness, aliw basahin ang Twitter account ni Pia dahil lahat ng tanong sa kanya ng netizens ay sinasagot niya, nanghihinayang nga lang daw siya dahil wala siyang sapat na oras para sa social media, aniya pa, “Thanks for chatting with me, I wish I had more time but I’ll be back soon. Mahal ko kayo- Pia.”

Napa-smile naman daw si Sam nang malaman na siya ang gustong ni Pia na makasama sa kanyang launching movie kung sakali dahil sa rami nga naman ng artistang lalaki sa showbiz ay siya ang napili ng pinakamagandang babae sa buong Universe.

Kaya siguro hindi na nag-comment si Sam ay ayaw niyang masabihang nakiki-ride sa kasikatan ngayon ni Pia.

Actually, may gagawing pelikula talaga si Sam sa Star Cinema at hindi pa lang namin alam kung sino ang leading lady niya dahil nga on the works pa ito at dapat hindi rin ito sasapaw sa pelikulang gagawin niya sa Regal Entertainment na gusto ni Mother Lily Monteverde ay gawin na agad dahil natuwa siya sa aktor na masarap daw katrabaho dahil hindi ito kailanman naging problema sa set.

Pero bago sumabak si Sam sa pelikula ay kailangan muna niyang mag-concentrate sa seryeng Doble Kara na balita namin ay extended pa ng ilang linggo, bukod pa sa ginagawa niyang soap na Written In Our Stars with Piolo Pascual, Toni Gonzaga and Jolina Magdangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending