Pia: Kahit Miss Universe, pwede ring maging Team Sawi! | Bandera

Pia: Kahit Miss Universe, pwede ring maging Team Sawi!

Ervin Santiago |January 26,2016
facebook
share this

Pia: Kahit Miss Universe, pwede ring maging Team Sawi!

Ervin Santiago - January 26, 2016 - 02:00 AM

pia wurthbach

Ipinagdiinan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na single na single pa rin siya. Aniya, isa rin daw siyang member ng “Team Sawi”. “I don’t have a boyfriend.

I didn’t have a boyfriend during the competition. Although, I thought I was seeing somebody, but it turned it out I wasn’t,” ang kuwento ni Pia sa nakaraang niyang presscon.

Pahayag pa nito, “Tingnan mo, kahit na Miss Universe ka, puwede ka pa rin maging sawi. Hashtag Team Sawi!” Pero aniya, mas okay daw na wala muna siyang lovelife para makapag-concentrate siya sa kanyang mga tungkulin bilang reigning Miss Universe.

“That’s okay (walang boyfriend). I wanna focus on the organization. The thing with me is when I fall in love, you know, I tend to give it everything. But we don’t want that,” aniya pa.

Sa ngayon ang itinuturing daw niyang boyfriend ay ang kanyang Miss Universe crown. Samantala, blockbuster naman ang isinagawang grand homecoming parade ni Pia sa ilang lugar sa Metro Manila kahapon.

Suot ng dalaga ang isang emerald green Filipiniana terno habang iwinawagayway ang bandera ng Pilipinas. As in talagang naglabasan ang ating mga kababayan sa mga kalye ng Metro Manila para makita up close and personal ang ating ikatlong Miss Universe.

Todo selfie pa ang mga ito habang pumaparada ang float ni Pia na gawa ni Fritz Solirio kung saan makikita sa harapan ang giant replica ng Miss U crown.

Medyo mahigpit din ang ibinigay na security ng PNP sa palibot ng mga lugar na daraanan ng parada na nagsimula sa Hotel Sofitel at dumaan sa Ayala Avenue sa Makati, na nagtapos sa Araneta Center sa Cubao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending