Alden ayaw nang makita at makausap ang dating manager? | Bandera

Alden ayaw nang makita at makausap ang dating manager?

Alex Brosas |January 24,2016
facebook
share this

Alden ayaw nang makita at makausap ang dating manager?

Alex Brosas - January 24, 2016 - 02:00 AM

alden richards

USUNG-USO ang issue ng utang na loob sa showbiz. Kapag nilayasan kasi ng isang artista ang kanyang manager, tiyak na utang na loob ang ibabanat sa kanya. It was as if walang karapatang lumipat ang isang celebrity.

We’re talking about this because we learned that Alden Richards has blocked off his former manager and discoverer. Kahit sa Facebook ay naka-unfriend din ito.

We don’t know what happened between them, kung bakit napunta sa ganoong desisyon si Alden.Ang baklitang manager ang naka-discover kay Alden sa Laguna.

Siya ang nagbigay ng motivation kay Alden para maging artista. Kung saan-saang contest na panlalaki niya isinali ang binata hanggang sa mapunta ito sa showbiz.

Ang manager na ito ay siya ring naka-discover kay Liza Soberano na napunta kay Ogie Diaz. Maganda naman ang parting of ways nila, friends pa rin sila until now. In fact, kapag nagkikita sila ay inaabutan siya ni Liza ng datung bilang pasasalamat sa kanya.

Kabaliktaran naman ito ni Alden. Binlock niya ito sa social media account niya at parang ayaw niyang i-acknowledge na ito ang kanyang discoverer?

Bakit kaya ganito ang attitude ni Alden towards his discoverer and manager? Any comment, Alden? Is it true na nagkaroon kayo ng matinding away? You have to explain it agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending