Heart ipinagtanggol si Grace Poe sa mga bully: May karapatan din kami! | Bandera

Heart ipinagtanggol si Grace Poe sa mga bully: May karapatan din kami!

Ervin Santiago - January 06, 2016 - 02:00 AM

heart evangelista

HINDI na nakatiis si Heart Evangelista sa mga ginagawang pambu-bully ng ilang bastos na netizen kay Sen. Grace Poe kaya ipinagtanggol na niya ito sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Nagkomento rin ang Kapuso actress laban sa mga politiko at mga grupong pilit humaharang sa kandidatura ng running mate ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero sa darating na 2016 presidential elections.

“Why are they being so unfair to Sen. Grace and to all of us? We have the right to vote who we want and not only for who is left,” tweet ni Heart sa kaniyang 1.1 followers sa Twitter. “Wishing everyone love and peace this Christmas and New Year. #NoToBullying,” ang magkasunod na tweet ni Heart.

Kung matatandaan, bago matapos ang 2015, pinigilan ng Supreme Coutr ang Comelec na idiskwalipika si Grace na kandidato sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo. Tiwala naman si Grace na hahayaan siya ng korte na lumahok sa sa eleksyon.

“Tinuruan ako ng tatay ko na manalig sa katotohanan, at hangga’t maari talagang ipaglaban ito. Tinuruan din n’ya kong magtiwala sa batas, dahil ang sabi n’ya, kung walang batas, walang makakapitan ang ating mga kababayan,” sabi ni Grace patungkol sa namayapang amang si Da King Fernando Poe, Jr.

Tinangka ring pigilan si FPJ ng mga kalaban sa pulitika na tumakbong pangulo noong halalan ng taong 2004 sa pamamagitan ng mga disqualification case.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending