TV5, Viva pasisikatin ang mga Pinoy sa Born To Be A Star | Bandera

TV5, Viva pasisikatin ang mga Pinoy sa Born To Be A Star

Cristy Fermin - January 06, 2016 - 02:00 AM

mark bautista

Magiging markado ang gabi ng February 6 para sa TV5 at sa Viva Entertainment na magkahawak-kamay na magbibigay ng mga bagong programa para sa ating mga kababayan. Ang unang sultada ng partnership ay isang talent search, ang Born To Be A Star, pangungunahan ni Ogie Alcasid.

Napakaraming Pinoy na may talento, hindi nga lang nila alam kung paano ‘yun maipakikita sa publiko, kaya ang pagtuklas ng mga tagong kapasidad ng ating mga kababayan ang unang-unang napagkasunduang ibigay ng TV5 at ng Viva Entertainment.

Marami silang matutulungang nangangarap na Pinoy sa pamamagitan ng Born To Be A Star, magiging napakasuwerte ng kampeon, dahil bukod sa magkakaroon na ito ng kontrata sa Viva Entertainment at sa TV5 ay milyun-milyong piso at papremyo pa ang kanyang maiuuwi.

Makakasama ni Ogie sa talent search sina Mark Bautista at Yassi Pressman, magiging hurado naman sina Aiza Seguerra, Pops Fernandez at Andrew E.  Tuwing hapon, bago magsimula ang aming programa sa radyo, ay nakasanayan na namin ni Richard Pinlac ang maghintay sa may hagdanan sa second floor ng Reliance Building.

Puro pukpukan ng mga karpintero ang naririnig namin, labas-pasok ang mga karpintero sa props room, abalang-abala sila. Mas maraming pukpok ay mas masaya, dahil maraming entablado at disenyo ang kanilang tinatapos, malapit na kasing magsimula ang mga programang ihahandog ng TV5 at ng Viva Entertainment na magsisimula na nga sa February 6 sa Born To Be A Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending