Army lieutenant patay, 3 sugatan sa landslide | Bandera

Army lieutenant patay, 3 sugatan sa landslide

John Roson - December 17, 2015 - 04:29 PM

quezon
Nasawi ang isang Army lieutanant habang tatlo pang kawal, kabilang ang isa pang opisyal, ang nasugatan nang tamaan ng landslide na dulot ng bagyong “Nona” ang kanilang sasakyan sa Infanta, Quezon kagabi.

Ikinasawi ni 2Lt. Michelle Mae Delariarte, ng 1st Infantry Battalion, ang ang tinamong pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sugatan naman sina 1Lt. Sarah Jane Bagasol, Pfc. Cheryl Ramirez, at ang driver nilang si Cpl. Renato Villanueva, pawang mga miyembro din ng 1st IB.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Road na sakop ng Brgy. Magsaysay dakong alas-11 ng gabi, ayon sa ulat.

Pabalik sina Bagasol, Delariarte, Villanueva, at Ramirez, sa headquarters ng 1st IB sa Brgy. Tongohin, nang tamaan ng landslide ang sinakyan nilang Isuzu Crosswind (XJF-239), ayon sa pulisya.

Galing ang mga kawal sa Metro Manila, kung saan sila namili ng mga supply at gamit na ipapa-raffle sana sa Christmas party ng 1st IB, sabi naman ni Lt. Col. Chris Tampus, commander ng battalion.

“Kaya sila ginabi dahil natrapik sila sa Metro Manila… mga five kilometers na lang from headquarters nila, huminto sila kasi may landslide sa harapan nila,” kuwento naman ni Col. Rodel Mauro Alarcon, commander ng 202nd Brigade.

Sinabi ni Tampus na nakatawag pa sa kanya ang mga kawal para magpasundo kaya nagdala siya ng mas malaking sasakyan para sunduin ang mga ito, pero ilang minuto lang ay tinamaan na ng landslide ang Crosswind.

“Galing sa taas (ang lupa)… umaatras sila tapos biglang gumuho ‘yung lupa, nadala ‘yung sasakyan nila, umikot-ikot,” aniya.

Muntik nang mahulog sa bangin at natabunan pa ang kalahati ng sasakyan, pero nakalabas sina Bagasol, Ramirez, at Villanueva, ani Tampus.

Nakita naman si Delariarte na duguan at may pinsala sa ulo, kaya pinaniniwalaang nabagok habang tinutulak ng landslide ang sasakyan, aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending