Alden, Maine todo-tanggol sa Aldub: Nasaktan lang kasi sila! | Bandera

Alden, Maine todo-tanggol sa Aldub: Nasaktan lang kasi sila!

Ervin Santiago |December 11,2015
facebook
share this

Alden, Maine todo-tanggol sa Aldub: Nasaktan lang kasi sila!

Ervin Santiago - December 11, 2015 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

TODO-TANGGOL sina Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub Nation.

Sa grand presscon ng 2015 MMFF entry na “My Bebe Love: Kilig Pa More” nitong Miyerkules ng gabi, nagpaliwanang ang tambalang AlDub sa mga naglalabasang intriga laban sa kanilang mga tagasuporta.

Kesyo napaka-protective at sobrang possessive daw ng kanilang fans.

Madalas kasi, kapag may ibang celebrities na nali-link sa dalawang bida ng kalyeserye ng Eat Bulaga ay naba-bash ang mga ito sa social media, kabilang na nga riyan sina Julie Anne San Jose at direk Rich Ilustre ng Sunday PinaSaya ng GMA 7.

May lumabas kasing balita na kinumpirma raw ng Kapuso director na magdyowa raw sina Alden at Julie Anne na ikinagalit ng ilang fans. Pero nabatid na in-edit lang daw ang naging pahayag ng direktor pero nag-sorry pa rin ito sa AlDub Nation.

Ayon kay Alden, “ Well, it’s not being possessive naman, they’re just..kumbaga, parang nasaling lang sila, na-hurt yung feelings because of a rumor that’s not true.

“And siguro po, respect na lang din po sa mga taong involved, huwag na lang po natin silang pag-usapan, kasi wala naman po sila dito,” esplika pa ng Kapuso leading man.

Sey naman ni Maine, “Saka wala naman pong dapat pag-awayan. Kasi misunderstanding lang po yung mga nangyari,” na sinundot pa ni Alden ng, “Happy lang, good vibes lang.”

Mismong si Alden na rin ang nagsabi na wala talaga silang naging relasyon ni Julie Anne kasabay ng paglilinaw na magkaibigan pa lang talaga sila ni Maine sa ngayon. Pareho rin daw silang single ni Yaya Dub kaya hindi rin imposibleng mauwi sa totohanan ang pag-iibigan nila sa kalyeserye.

Pero ipinagdiinan ng binata na wala rin siyang ibang nililigawan ngayon, “Si Yaya lang,” sabay tingin nito kay Maine na katabi niya sa presidentiable table during the “My Bebe Love” presscon.

Nang matanong naman si Maine tungkol sa isyung wala na raw gustong manligaw sa kanya dahil nga akala ng mga boys ay sila na ni Alden, “Wala naman po. Kasi honestly, ngayon po, wala naman pong pumuporma sa akin ngayon.”

Pero pwede ba siyang magpaligaw sa iba? “Kung papayag po si Alden, okay lang po,” nakangiting tugon ng dalaga.

Pero hirit naman ni Alden, “Huwag muna, relax lang muna. Hindi po, e, kasi yung focus ko nandito po sa AlDub and kay Maine. So, parang as of now, I’m not entertaining any feelings towards anyone.”

Anyway, kahit na ano pa ang sabihin ng iba, kahit kung anu-ano pa ang intrigang ibato kina Alden at Yaya, natitiyak namin na magiging isang super blockbuster ang “My Bebe Love: Kilig Pa More” kung saan makakasama nila ang King & Queen of filmfest na sina Ai Ai delas Alas at Vic Sotto, written and directed by Jose Javier Reyes.

This is produced jointly by five giant film outfits OctoArts Films, M-Zet Television Productions, Inc., APT Entertainment, GMA Films and Meda Production.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin dito ang tatlong lola sa kalyeserye na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo at Wally Bayola, with Valeen Montenegro, Joey de Leon and Ryzza Mae Dizon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending