Alex handa nang magkadyowa: May nagpapatibok na ng puso ko! | Bandera

Alex handa nang magkadyowa: May nagpapatibok na ng puso ko!

Ervin Santiago |November 13,2015
facebook
share this

Alex handa nang magkadyowa: May nagpapatibok na ng puso ko!

Ervin Santiago - November 13, 2015 - 03:00 AM

ALEX GONZAGA

ALEX GONZAGA

NON-SHOWBIZ guy ang idine-date ngayon ni Alex Gonzaga. Pero tumanggi siyang i-share sa entertainment press ang identity nito dahil baka raw biglang maudlot.

Sey ni Alex sa nakaraang presscon ng reality talent search na Dance Kids kung saan siya at si Robi Domingo ang magsisilbing hosts, may isang lalaking nagbibigay-kulay ngayon sa kanyang mundo.

“Malalaman n’yo naman iyan sa Book 2 ko na ‘Dear Alex, Break Na Kami. Paano?! Love, Catherine,’” ani Alex na ang tinutukoy ay ang kanyang best-selling breakup survival guide.

“Mayroon namang nagpapatibok ng puso ko ngayon pero hanggang tibok pa lang muna,” chika ni Alex kasabay ng pagsasabing handa na siya ngayong pumasok sa isang seryosong relasyon.

“Kasi gumagawa ako ng book about dating, tapos bigla na lang nangyaring ganyan, bigla akong may nakilala na okay naman,” hirit pa ng TV host-actress.

Dagdag pa ng sisteraka ni Toni, hinahanap niya ang lalaking “consistent” sa panliligaw, “Kahit na persistent siya, kung ‘di naman siya consistent, wala din. Gusto ko kung ano ang i-pinakita sa iyo from Day 1, ‘yun pa din ang intention niya at nararamdaman mo.”

At kahit daw busy siya ngayon sa kanyang career, talagang maglalaan siya ng time para sa kanyang personal life. Bukod sa pagiging host ng Dance Kids na magsisimula na ngayong weekend, meron pa siyang entry sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang “Buy Now Die Later” kasama ang isa sa Dance Master ng Dance Kids na si Vhong Navarro.

Bukod naman kay Vhong, ang dalawa pang magsisilbing Dance Masters/mentors sa Dance Kids ay sina Teacher Georcelle Dapat ng G-Force at choreographer Andy Alviz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending