Sarah gumawa ng bagong record sa Big Dome; pinaiyak ang mga Popsters | Bandera

Sarah gumawa ng bagong record sa Big Dome; pinaiyak ang mga Popsters

Ervin Santiago |October 19,2015
facebook
share this

Sarah gumawa ng bagong record sa Big Dome; pinaiyak ang mga Popsters

Ervin Santiago - October 19, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

Namimili na ng mga gown na gagamitin at inihahanda na rin ni Sarah Geronimo ang line up ng mga kakantahin niya sa Dec. 4 concert na “SG From The Top” sa Araneta Coliseum.

Pang-8th major concert na ni Sarah ang “SG Form The Top.” Last concert niya ang “Perfect 10” na magkasunod lang ginawa noong 2013.

Nauna niyang napuno ang Araneta para sa nasabing concert dahil na rin sa mga fans niya mula sa iba’t ibang bansa na umuwi pa talaga ng Pilipinas para mapanood siya sa kanyang concert.

Pero marami pang hindi nakapanood noon kaya nag-decide ang Viva Live na magkaroon ng second night na ginanap naman sa Mall of Asia Arena.

Dahil diyan, sobrang obvious na marami nang excited manood sa “#SGFromTheTop” concert ng Pop Royalty. Pruweba nga naman ang maagang pagkaubos ng tickets sa General Admission at VIP seats ng Big Dome.

Noong Oct. 1 ay dumagsa ang fans ni Sarah para personal siyang makita sa first day ng ticket selling kaya naman ubos agad ang GP at VIP tickets sa ticket booth ng Araneta.

Ito raw ang unang pagkakataon na nangyari na sold out agad ang tickets sa VIP at GA ng nasabing concert venue. Balita ring may mga Popsters pang naiyak nang makita up close and personal si Sarah lalo na nang mismong ang idol nila ang nag-abot sa mga binili nilang tickets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending