Sarah Lahbati pinalakpakan, umani ng papuri sa ipinakitang akting sa MMK | Bandera

Sarah Lahbati pinalakpakan, umani ng papuri sa ipinakitang akting sa MMK

Ervin Santiago - October 19, 2015 - 02:00 AM

sarah lahbati

Puro papuri ang tinanggap ni Sarah Lahbati sa kauna-unahang pagbibida niya sa drama anthology ni Charo Santos sa ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya nitong Sabado.

Naging isa sa top trending topic sa Twitter ang MMK episode ng live-in partner ni Richard Gutierrez kung saan ginampanan niya ang karakter ng “Bituing Walang Ningning The Musicale” star na si Monica Cuenco.

Dito ipinakita kung paanong narating ni Monica ang tagumpay sa kabila ng sandamakmak na pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Nakasama ni Sarah sa nasabing MMK episode sina Aiko Melendez, Francine Prieto at marami pang iba.

At dahil nga sa galing ni Sarah sa kanyang madadramang eksena puro magagandang komento rin ang nabasa niya sa social media kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa lahat ng mga nanood.

“No matter how hard life hits you, you need to get back up and push through it. Sana na inspire kayo sa buhay ni Monica Cuenco. Maraming salamat sa pagnuod,” ang mensaheng ipinost ni Sarah sa kanyang Twitter account.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments ng netizen sa ipinakitang akting ng aktres sa MMK sa website ng ABS-CBN. “Do what makes you happy. This is the message of this story.

It’s a wonderful story. @SarahLahbati you’re a great actress. idol!” “It takes a long journey to achieve our dreams. patience and passion are the secret codes to our success.”

“Ngayon ko lang naappreciate ang galing ng isang Sarah Lahbati!”  “Super galing mo @SarahLahbati!!! Idol na idol na kita! Keep it up :)” “@SarahLahbati nice voice, super galing mo! Hehee nice acting skills tho#MMKKontesera!”

Bukod sa mga guesting ni Sarah sa iba’t ibang shows sa Dos, kasama rin siya sa cast ng bagong serye ng Kapamilya network na Written In Our Stars na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Sam Milby, Piolo Pascual, at Jolina Magdangal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending