Sam sa Pinas pa rin pakakasalan ang dyowa para bumuo ng pamilya | Bandera

Sam sa Pinas pa rin pakakasalan ang dyowa para bumuo ng pamilya

Ambet Nabus |October 14,2015
facebook
share this

Sam sa Pinas pa rin pakakasalan ang dyowa para bumuo ng pamilya

Ambet Nabus - October 14, 2015 - 02:00 AM

sam milby

NANINIWALA kaming halos ngayon pa lang nakakapag-move on si Sam Milby sa break-up nila ng kanyang “greatest love” na si Anne Curtis.

Bukod kasi sa kaswal na kaswal na niya itong nababanggit pati na ang sakit ng kanilang paghihiwalay ilang taon na rin ang nakararaan ay komportable na rin niyang naibabahagi na masaya naman siya ngayon sa kanyang single life at happy din siya para kay Anne at sa dyowa nitong si Erwan Heussaff.

Hindi talaga maiiwasang hindi mabanggit si Anne, pati na rin ang ibang mga babaeng seryosong na-involve sa aktor-TV host na umamin ngang loveless pa rin until now.

Sa interview sa kanya ng Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN, nagbanggit ng mga showbiz names si Kuya Boy Abunda na dapat ilarawan ni Sam. Kasama nga rito sina Anne, Toni Gonzaga, KC Concepcion at Jennylyn Mercado.

“Wonderful” and “ideal GF” daw si Anne, habang first love naman daw niya si Toni. Although inamin niyang may big crush siya kay KC noon, mas naging okey daw sila as good friends.

Ang leading lady niya na si Jennylyn sa movie na “Pre Nup” ay inilarawan din niyang ideal woman to be with and “very close” friend ang tu-ring niya rito.

Matagal-tagal na rin sa showbiz si Sam simula nang madiskubre siya sa Pinoy Big Brother season one. Naging sikat din siya bilang top leading man at kahit na nangangarap daw siyang magkaroon ng Hollywood career ay sa Pili-pinas pa rin niya nanaisin na manirahan at magkaroon ng sariling pamilya.

Kung kailan, ‘yun ang hindi pa niya binanggit. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending