Ka-compatible ba ang BF? (2) | Bandera

Ka-compatible ba ang BF? (2)

Joseph Greenfield |September 01,2015
facebook
share this

Ka-compatible ba ang BF? (2)

Joseph Greenfield - September 01, 2015 - 02:31 PM

Sulat mula kay Shirley ng San Francisco, Panabo, Davao del Norte
Problema:
1. Itatanong ko lang kung compatible ba ang zodiac sign na Capricorn at Virgo, kasi po may boyfriend ako sa ngayon na isinilang noong January 10, 1989 siya ay isang Capricorn habang ako naman po ay isang Virgo na isinilang noong September 16, 1990.
2. Tugma ba kami, kasi nag-aaya na siyang magpakasal, dahil ang katuwiran niya ay may stable job naman daw siya at isa pa ay tumatanda na daw siya sa edad niyang 26 at magtwo-25 naman ako sa darating na September. Dagdag dito madalas din na may nangyayari na sa amin. Sa inyong palagay kami na ba ang magkakatuluyan at kung magkakatuluyan kami magi- ging maligaya kaya ang bubuuin naming pamilya?
Umaasa,
Shirley ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible nga kayo ng boyfriend mong isinilang sa sign na Capricorn sapagkat may iisang elemento kayong tinataglay – ang elementong earth o lupa.
Numerology:
Ang birth date mong 16 at 10 naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible din kayo sa numerology, kung saan, hindi lang kayo magkakatuluyan at magkakaroon ng maligayang pamilya, sa halip yayaman pa kayo sa pamamagitan ng negosyo o kaya’y pangingibang bansa, Darating ang panahong isa sa inyo ang makapag-aabroad na magdadala ng pag-asenso at pagyaman sa itatayo nyong pamilya.
Luscher Color Test:
Kapwa kayo mapalad ng boyfriend mo sa kulay na berde at dilaw. Kapag patuloy ninyong ginagamit ang nasabing kulay, lalo na sa araw ng inyong kasal tuloy-tuloy kayong uunlad, susuwertehin at yayaman.
Huling payo at paalala:
Shirley ayon sa iyong kapalaran ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang nakatakdang mong makakatuluyan at ito ay nakatakdang mangyari sa taong 2017 sa edad mong 27 pataas at 28 naman ang boyfriend mo, kung saan ang pag-aasawang ito ang siya na rin magiging simula ng tuloy-tuloy na pag-unlad at kaligayahan ng itatayo nyong pamilya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending