PUMANAW ang kontrobersiyal na healing priest na si Fr. Fernando Suarez matapos mag-collapse habang naglalaro ng tennis sa Ayala Alabang Clubhouse Martes ng umaga, tatlong araw bago ang kanyang ika-53 kaarawan. Kinumpirma ng kanyang tagapagsalita na si Deedee Siytangco ang pagkapasawi ng pari. Regular na nagsasagawa ng taunang tennis tournament si Suarez para sa mga […]
UMABOT na sa 27 katao sa Metro Manila ang kabilang sa patients under investigation (PUIs) kaugnay ng novel coronavirus, ayon sa Department of Health (DOH). Idinagdag ng DOH na sa kabuuang bilang 22 ang nananatili sa ospital, samantalang dalawa na ang nakalabas. Kabilang sa 27 ang 29-anyos na Chinese na namatay noong Enero 29 dahil […]
PATAY ang isang pulis matapos aksidenteng matamaan ng sariling baril sa Barangay San Juan, Palompon, Leyte ganap na alas-3:30 ng hapon noong Sabado. Nasa loob si Police Staff Sergeant Maverick Clitar, 30, ng kanyang bahay nang mangyari ang insidente. Sinabi ni Police Lt. Col Bella Rentuaya, spokesperson ng Eastern Visayas police, na nasa sala ang […]
KINUMPIRMA ni Health Secretary ang ikalawang kaso ng novel coronavirus sa bansa kung saan nasawi ang pasyente na isang Chinese national nitong Sabado. Sa isang briefing, sinabi ni Duque na namatay ang 44-anyos na lalaking Chinese sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila dahil sa pneumonia matapos makaranas ng lagnat, ubo at sore throat. […]
MAGAAN na dinispatsa ni Filipina junior tennis player Alex Eala at kaparehang si Priska Nugroho ng Indonesia ang nakatunggaling sina Ziva Falkner ng Slovenia at Matilda Mutavdzic ng Great Britain sa finals, 6-1, 6-2, para magkampeon sa Australian Open girls doubles championships Biyernes sa Melbourne, Australia. Bunga ng panalo, ang 14-anyos na si Eala ang […]
UMABOT na sa 56 pasyente ang inoobserbahan dahil sa novel coronavirus o 2019-nCoV, ayon sa Department of Health (DOH). “Currently we have I think 56 if I am not mistaken. It’s 56 patients under investigation,” sabi ni DOH epidemiology bureau head Dr. Ferchito Avelino sa panayam sa CNN Philippines. Kahapon, sinabi ni Health Secretary Francisco […]
NAGDEKLARA na ang World Health Organization (WHO) ng global emergency dahil sa outbreak dulot ng novel coronavirus buhat sa China kung saan mahigit ng 12 mga bansa ang apektado. Nangangahulugan ang global emergency ng “extraordinary event that constitutes a risk to other countries and requires a coordinated international response”. Ipinaalam ng China sa WHO ang […]
NAPATUNAYANG guilty ng isang korte sa Nueva Ecija ang mga recruiter ng death row convict na si Mary Jane Veloso to Indonesia, ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) President Edre Olalia. Habambuhay na pagkabilanggo ang hatol ni Presiding Judge Anarica Castillo-Reyes ng Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 88 kina Ma. Cristina Sergio, […]
KINUMPIRMA ni Health Secretary Francisco Duque ang unang kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas. “Today the DOH is confirming that a Chinese female student is positive for novel coronavirus 2019 after her lab results arrived from victorian infectious disease in Melbourne, Australia,” sabi ni Duque sa isang press briefing. Sinabi ni Duque na base […]