Ikatlong kaso ng nCoV kinumpirma ng DOH; Mula Wuhan, Chinese nagbiyahe sa Cebu at Bohol
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang ikatlong kaso ng novel coronavirus kung saan mula Wuhan, China, bumiyahe ang babaeng Chinese sa Cebu at Bohol.
Sinabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na dumating ang 60-anyos na Chinese sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) mula Wuhan City, noong Enero 20, 2020 kung saan siya dumaan ng Hong Kong.
Idinagdag ni Domingo na bumiyahe rin ang pasyente sa Bohol sa kaparehong araw, bagamat nanatili lamang sa loob ng kanyang hotel dahil masama na ang kanyang pakiramdam.
“On the January 22, the patient consulted a private hospital after experiencing fever and colds,” sabi ni Domingo.
Idinagdag ni Domingo na naospital ang babaeng Chinese sa kaparehong araw kung saan “several samples were taken from her on January 23 and 24.”
Ipinadala ang resulta ng pagsusuri noong Enero 24 sa Victorian Infectious Disease Reference Laboratory sa Melbourne, Australia at Research Institute for Tropical Medicine ng DOH.
Sinabi ni Domingo na kapwa nagnegatibo ang sample noong Enero 29.
Ngunit noong Pebrero 3 ng gabi, nadiskubre ng RITM na nagpositibo ang sample na kinuha noong Enero 23.
Nakalabas na ang pasyente at nakabalik na sa China noong Enero 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.