Inquirer Archives | Page 31 of 118 | Bandera

Inquirer Archives | Page 31 of 118 | Bandera

1 patay, 1 pa sugatan matapos ang banggaan ng 2 motorsiklo sa Bohol 

ISA ang patay, samantalang sugatan naman ang isa pa matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Tagbilaran City, Bohol, Linggo ng gabi. Kinilala ng mga otoridad ang nasawi na si Jonathan Milla, 39, ng Habitat Village sa Barangay Bool, Tagbilaran City. Pauwi na si Milla  sa kanyang bahay mula sa  city proper pasado alas-9 ng gabi […]

DILG nagtalaga ng bagong mayor ng Iloilo City

ISINILBI ng mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dismissal order laban kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog  ngayong tanghali. Pinangunahan ni Anthony Nuyda, DILG Western Visayas director, ang pagsisilbi ng dismissal order sa opisina  ni Mabilog sa ika-pitong palapag ng Iloilo City Hall. Kumatawan naman kay Mabilog ang kanyang […]

18 sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang multicab sa Leyte

SUGATAN ang 18 katao matapos mahulog ang sinasakyan nilang multicab sa isang bangin sa Barangay Soro-Soro, Maasin City, Southern Leyte kahapon.  Dinala ang driver na si Demetrio Villegas Jr., at kanyang 17 pasahero sa ospital matapos silang ma-rescue ng Provincial Disaster Risk Reductionj  Management Council team, Maasin City Emergency Rescue Team, ng Bureau of Fire […]

Aguirre sinabing testigo idinetalye ang ginawang hazing kay Atio

SINABI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na idinetalye ng isang testigo ang isinagawang hazing kay University of Santo Tomas (UST) law student Horacio “Atio” Castillo III kung saan isang oras itong pinagsusuntok at pagkatapos ay hinampas ng paddle. Idinagdag ni Aguirre base sa isang affidavit ng dating opisyal ng Aegis Juris fraternity na si Mark […]

June Mar Fajardo nakuha ang ika-4 diretsong PBA MVP award

TULAD ng inaasahan nauwi ni San Miguel Beermen center June Mar Fajardo ang kanyang ikaapat na diretsong Philippine Basketball Association (PBA) season Most Valuable Player award sa ginanap na 2017 PBA Annual Awards-The Leos Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City. Nagawa ito ng 27-anyos na si Fajardo sa loob lamang ng limang […]

Militar target na mapauwi ang mga residente sa Marawi sa Disyembre

NAKATAKDANG payagan ng militar ang mga residente na makauwi na sa kani-kanilang mga bahay sa 24 na barangay sa loob ng sentro ng naging bakbakan sa Marawi Cituy sa pagitan ng Disyembre 15 at Disyembre 22. Sinabi ni Joint Task Group Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner Jr. na nagsimula nang bumalik ngayong linggo ang […]

LTFRB sinabing hindi na dapat isuspinde ang klase, pasok bukas

INIREKOMENDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Malacañang na hindi na dapat isuspinde ang klase at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno bukas sa kabila ng ikalawang araw ng transport strike ng grupong Piston. Sinabi ni Aileen Lizada, LTFRB board member, na base sa nangyaring tigil pasada ngayong araw, hindi gaanong apektado […]

2 college studes kinatay sa lovers’ lane

NATAGPUANG patay ang dalawang estudyante sa kolehiyo sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng hapon, iniulat ng pulisya. Kinilala ang isa sa mga biktima na si Charmaine Villarias, 21, third year student sa Colegio de Montalban, samantalang hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima na isang lalaki. Ayon sa mga pulis, hindi nakauwi ng bahay […]

SSS contribution tataas simula Enero, 2018

AABOT sa mahigit 12.5 porsiyento ang sisingiling kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) simula Enero 2018. Sinabi ni SSS president and chief executive officer Emmanuel F. Dooc na isasabay ang pagtaas sa buwanang inihuhulog ng mga miyembro ng SSS sa inaasahang pagpapatuwad ng administrasyon ng comprehensive tax reform package. Idinagdag ni Dooc […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending