Aguirre sinabing testigo idinetalye ang ginawang hazing kay Atio | Bandera

Aguirre sinabing testigo idinetalye ang ginawang hazing kay Atio

- October 25, 2017 - 06:58 PM

SINABI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na idinetalye ng isang testigo ang isinagawang hazing kay University of Santo Tomas (UST) law student Horacio “Atio” Castillo III kung saan isang oras itong pinagsusuntok at pagkatapos ay hinampas ng paddle.
Idinagdag ni Aguirre base sa isang affidavit ng dating opisyal ng Aegis Juris fraternity na si Mark Ventura, sinimulan ang hazing kay Atio noong Setyembre 17 ganap na ala-1 ng umaga, kung saan mahigit 10 miyembro ang salit-salitan na sumusuntok kay Atio “hanggang pumutok” o hanggang mamaga ang braso ng biktima.
Idinagdag pa ni Aguirre na si Axel Hipe ang nagsilbing master initiator.

“Once the punching stopped, the members used spatulas in tapping Atio’s arms to reduce the swelling and calm the muscles,” sabi ni Aguirre.
Ayon pa kay Aguirre, pagkatapos nito, sisimulan na ang paggamit ng paddle.
Ani Aguirre, 11 beses na pinalo si Atio ng paddle.
Sinabi pa ni Aguirre na nag-collapse si Atio pagkatapos ng pang-apat na pagpalo ng paddle, na nangyari ganap na alas-5 ng umaga.

Idinagdag ni Aguirre na pinatakan pa ng kandila si Atio para gisingin ngunit hindi na gumalaw ang biktima.
Aniya, dito na ipinatawag ang pangunahing suspek na si John Paul Solano, para dalhin si Atio sa ospital.
Hapon ng Oktubre 17, ipinatawag naman ang mga alumni ng fraternity sa Cubao, Quezon City.
Tumanggi nang magbigay ng detalye si Aguirre sa nangyaring pagpupulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending