HOUSTON — Tinapatan ng Philadelphia 76ers ang NBA record na 26 diretsong pagkatalo matapos durugin ng Houston Rockets, 120-98, sa kanilang NBA game kahapon. Gumawa si James Harden ng 26 puntos, 10 rebounds at 10 assists sa loob ng tatlong quarters para itala ang ikalawang career triple-double para sa Houston na nakubra ang ikalimang sunod […]
INDIANAPOLIS — Umiskor ng 23 puntos si Paul George at nagdagdag ng 21 puntos si Roy Hibbert para pangunahan ang Indiana Pacers sa isang come-from-behind 84-83 victory laban sa Miami Heat kahapon sa NBA. Napatid din ng Indiana ang two-game losing skid nito at may 2-1 lead na sa kanilang head-to-head matchup laban sa Miami […]
NEW YORK — Umiskor si Jarrett Jack ng season-high 31 puntos para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 106-100 panalo at wakasan ang eight-game winning streak ng New York Knicks sa kanilang NBA game kahapon. Sinayang din ng Knicks ang pagkakataon na makadikit sa dalawang laro na lamang sa Atlanta Hawks para sa huling playoff spot […]
TORONTO — Nagtala si Kevin Durant ng 51 puntos at 12 rebounds para pangunahan ang Oklahoma City Thunder na maungusan ang Toronto Raptors, 119-118, sa double overtime matapos magkaroon si NBA All-Star guard Russell Westbrook ng right knee injury sa ikatlong yugto sa kanilang NBA game kahapon. Tumira si Durant ng e go-ahead 3 may […]
CLEVELAND — Umiskor si Kevin Durant ng 35 puntos habang si Serge Ibaka ay nagdagdag ng 16 puntos para sa Oklahoma City Thunder na napigilan ang matinding ratsada ng Cleveland Cavaliers at itakas ang 102-95 pagwawagi sa kanilang NBA game kahapon. Sumablay muna si Durant sa lima sa kanyang unang anim na tira bago nabawi […]
NEW YORK — Umiskor ng 34 puntos si Carmelo Anthony para pangunahan ang New York Knicks sa 92-86 panalo laban sa Indiana Pacers at itulak sa pito ang winning streak ng koponan. Ito naman ang unang laro ng Knicks sa ilalim ng bago nilang team president na si Phil Jackson. Habang nanonood si Jackson sa […]
CLEVELAND — Umiskor ng 43 puntos si LeBron James kabilang ang 25 sa first quarter at nag-ambag naman ng 21 puntos si Chris Bosh para tulungan ang Miami Heat sa 100-96 panalo kontra Cleveland Cavaliers kahapon sa NBA. Hindi nakapaglaro si Dywane Wade ng Heat at sina Luol Deng at Kyrie Irving ng Cavaliers dahil […]
INDIANAPOLIS — Umabot na sa franchise worst 21 games ang losing streak ng Philadelphia 76ers sa NBA. Ito ay matapos na muli silang matisod ng Indiana Pacers, 99-90, kahapon. Pinakamalaking tinik sa lalamunan ng 76ers si Lance Stephenson na umiskor ng 25 puntos habang si Paul George ay nag-ambag ng 24 puntos para sa Pacers. […]
LOS ANGELES — Gumawa si Blake Griffin ng 21 puntos, 11 rebounds at walong assists sa kanyang ika-25 kaarawan para pamunuan ang Los Angeles Clippers na durugin ang Cleveland Cavaliers, 102-80, at itala ang ika-11 diretsong panalo ng koponan sa kanilang NBA game kahapon. Nagtala si Chris Paul ng 15 assists at kinamada niya ang […]
CHICAGO — Kinamada ni Mike Dunleavy ang lahat ng kanyang 21 puntos sa second half habang muntik namang makagawa si Joakim Noah ng triple-double para sa Chicago Bulls na tinambakan ang Houston Rockets, 111-87, sa kanilang NBA game kahapon. Nagtapos si Noah na may 13 puntos, 10 rebounds at siyam na assists sa 34 minutong […]
MIAMI — Sa ikatlong pagkakataon sa season na ito ay binigo ng Brooklyn Nets ang nagdedepensang kampeong Miami Heat. Kahapon ay ikinalat ni Paul Pierce ang 17 sa kanyang 29 puntos sa ikatlong yugto para pangunahan ang Nets sa 96-95 panalo. Nagdagdag naman ng 17 puntos mula sa bench si Mirza Teletovic at nag-ambag ng […]