76ers nakatikim ng 26 diretsong talo | Bandera

76ers nakatikim ng 26 diretsong talo

Melvin Sarangay - , March 29, 2014 - 03:00 AM


HOUSTON — Tinapatan ng Philadelphia 76ers ang NBA record na 26 diretsong pagkatalo matapos durugin ng Houston Rockets, 120-98, sa kanilang NBA game kahapon.

Gumawa si James Harden ng 26 puntos, 10 rebounds at 10 assists sa loob ng tatlong quarters para itala ang ikalawang career triple-double para sa Houston na nakubra ang ikalimang sunod na pagwawagi.

Nagawa ng 76ers (15-57) na maging dikitan ang labanan sa umpisa ng laro bago nagsagawa ng malaking arangkada sa ikalawang yugto ang Rockets para makalayo at mauwi ang panalo.

Tinapatan naman ng Philadelphia ang 2010-11 Cleveland Cavaliers para sa pinakamahabang pagkatalo sa NBA at maaari nilang maitala ang panibagong record kapag matalo sa kanilang homecourt laban sa Detroit Piston bukas.

Si James Anderson ang nanguna para sa Sixers sa kinamadang 30 puntos kabilang ang anim na 3-pointers.

Trail Blazers 100, Hawks 85
Sa Atlanta, nagtala si LaMarcus Aldridge ng 25 puntos at 16 rebounds matapos magbalik mula sa back injury para pamunuan ang Portland Trail Blazers na daigin ang Atlanta Hawks at wakasan ang kanilang three-game losing streak.

Nag-ambag si Damian Lillard ng 21 puntos para sa Trail Blazers, na natalo sa pito sa kanilang huling 10 laro at nanganib na mahulog mula sa ikalimang puwesto sa Western Conference playoff standings.

Nalasap naman ng  Hawks ang ikalimang sunod na kabiguan at  angat na lamang sa New York Knicks ng 1 ½ laro para sa karera sa ikawalo at huling playoff spot sa Eastern Conference.

Si Jeff Teague ang nanguna para sa Hawks sa ginawang 22 puntos habang si Lou Williams ay nagdagdag ng 16 puntos, kabilang ang 13 puntos sa huling yugto kung saan nakadikit ang Atlanta sa anim na puntos.

Bucks 108, Lakers 105
Sa Milwaukee, umiskor si Brandon Knight ng 30 puntos habang si Ramon Sessions ay nagdagdag ng 22 puntos para sa Milwaukee Bucks na tinalo ang Los Angeles Lakers.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending