Isang 4.5 magnitude na pagyanig ang naganap sa bayan ng Calatagan, Batangas ngayong Sabado ganap na 6:48 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 12 kilometro sa timog-kanluran ng Calatagan. Walang inaasahang pinsala sa lindol na may lalim na 135 kilometro. Mahina itong naramdaman sa Intensity I sa Calatagan, Batangas; […]
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng AiDeLai face mask. Ayon sa FDA, sa pamamagitan ng post-marketing surveillance, natuklasang hindi “notified” ang medical product at walang Product Notification Certificate. Alinsunod sa Republic Act No. 9711 o Food and Drugs Administration Act of 2009, bawal ang pag-manufacture, importation, exportation, pagbebenta, […]
Arestado ang apat na pulis at isang sibilyan sa nadiskubreng clandestine laboratory na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga sa Olongapo City, Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga nahuling pulis na sina PLt Reynato Basa Jr., PCpl Gino dela Cruz, PCpl Edesyr Victor Alipio, at PCpl Godfrey Duclayan Parentela, ayon sa ulat ng Criminal Investigation […]
FINALLY, winelkam na ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang premyadong aktres na si Janine Gutierrez. Napanood namin ang video post ng Dreamscape head na si Sir Deo T. Endrinal, sa kanyang Instagram account habang sinusulat namin ang balitang ito. “New Year, New Kapamilya, From a Celebrity Family,” ang titulo ng video post ni Sir Deo […]