NIYANIG ng magnitude 4.8 lindol ang Iloilo kamakalawa ng gabi (Huwebes). Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:19 ng gabi. Ang epicenter nito ay anim na kilometro sa silangan ng San Enrique at may lalim na 12 kilometro. Naramdaman ang Intensity IV sa San Enrique, Passi City at Dingle, Iloilo; […]
UMABOT ng 50 metric tons ng basura ang nahakot sa Rizal Park noong kapaskuhan, ayon sa National Parks Development Committee (NPDC). Unang kinolekta ang basura ng Manila City Department of Public Services, na iniulat naman sa NPDC na tinatayang 50 hanggang 51 metric tons ng basura ang nahakot mula hapon ng Disyembre 25 at Huwebes […]
WALA na talagang ligtas ang kahit sino ngayon sa social media. Konting bagay lang ay agad nang nakabando sa buong mundo. Pero wala pa ring mas titindi sa personal na engkuwentro, ‘yun ang totoong-totoo, may ebidensiya. Isang grupo ng mga kababayan natin ang nakakita sa isang kilalang female personality sa isang shopping mall sa ibang […]
Panalung-panalo ang episode ng The Gift kung saan nalaman na ni Jean Garcia (Nadia) na si Alden Richards (Sep) pala ang matagal na nitong hinahanap na anak. Nakunsensiya ang ina dahil ilang gabi pa lang ang nakararaan ay sinumbatan pa nito bilang ampon si Sep kaya hindi malalaman ng kanilang kalaban kung paano ang maging […]
Kaya pala hindi nagtagal ang relasyon ng isang male singer sa kanyang ex-girlfriend na singer-actress ay dahil ang dating dyowang aktres pa rin ang laman ng puso nito. Paano namin nalaman? Nabanggit kasi niya ito sa kanyang kaibigan na naikuwento naman sa amin, “Hindi pa rin maka-move on si _____ (male singer) kay _____ (aktres). […]
VERY proud mommy si Meryll Soriano sa anak niyang 12 years old na si Elijah Palanca dahil lumaki itong napakabait at napakalambing na bata. Hindi raw ito nahihiyang i-kiss siya kahit sa harap ng maraming tao. Kadalasan kasi sa mga anak na lalaki kapag lumampas na sa 10 taong gulang ay nahihiya nang humalik sa […]
Nagsalita na si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa balitang nililigawan siya nina Alden Richards at Sam Milby. Ayon sa Pinay beauty queen, nagsimula ang chika na pinopormahan siya ng Asia’s Multimedia Star nang mag-post ang kanyang supporters ng mga litrato at mensahe tungkol sa kanila. Pero nilinaw niya na never pa silang nag-meet […]
MAKALIPAS ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, Kapuso couple Max Collins and Pancho Magno are expecting their first baby. Tuwang-tuwa at super excited na ibinandera nina Max at Pancho nitong nakaraang Pasko sa kanilang Instagram account ang good news. Ipinost ng Kapuso actress sa IG ang litrato nila ng asawang aktor habang hawak ang sonogram. […]
KUNG may mga showbiz couple na nagpakasal this year, marami ring artistang magdyowa ang naghiwalay ngayong taon. Naglista kami ng ilang celebrity wedding na naganap ngayong 2019 pati na rin ng mga nakakalokang hiwalayan sa showbiz na talagang pinag-usapan nang bonggang-bongga! Narito ang ilang kilalang celebrity na nagpakasal this year: JOYCE CHING & KEVIN ALIMON: […]