Yayamaning female celeb todo kung mamakyaw ng branded stuff sa ibang bansa | Bandera

Yayamaning female celeb todo kung mamakyaw ng branded stuff sa ibang bansa

Cristy Fermin - December 27, 2019 - 01:05 AM

WALA na talagang ligtas ang kahit sino ngayon sa social media. Konting bagay lang ay agad nang nakabando sa buong mundo.

Pero wala pa ring mas titindi sa personal na engkuwentro, ‘yun ang totoong-totoo, may ebidensiya. Isang grupo ng mga kababayan natin ang nakakita sa isang kilalang female personality sa isang shopping mall sa ibang bansa habang kasama ang kanyang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Napakasosyal niya, ha? May kasama silang mga yaya. Sa airfare pa lang, e, namumuhunan na talaga ang lola n’yo!

“Para magdala ka ng mga yaya sa ibang bansa, teka lang muna, maliwanag na datung na ang ibig sabihin nu’n! Ganu’n siya kapag bumibiyahe, may mga kasama siyang yaya para mag-alaga sa mga anak niya.

“E, hindi na alagain ang mga anak niya, ha? Malalaking tao na, pero kailangan pa ring may kasunod na yaya kahit saan sila magpunta! Ganu’n kayayamanin ang ating lola!” umpisang chika ng aming impormante.

Ibang klase raw mag-shopping ang female personality, kapag pumasok siya sa isang branded shop, siguradong papakyawin niya ang mga new arrivals, iba-ibang kulay at shape ang binibili niya, swipe lang siya nang swipe ng mahiwagang credit card niya.

Patuloy ng aming source, “Wala siyang work ngayon, ha? Pero hindi puwedeng tumaob ang bangka niya! Napakamadatung na talaga ng babaeng personality na ‘yun, hindi niya na kailangang magtrabaho pa para lang masunod ang mga layaw niya sa buhay!

“Habang ikot siya nang ikot sa shop, natural, maraming Pinoy ang nagmamasid lang sa kanya. Masigla siya, talk nang talk, parang wala na nga siyang iniindang sakit ngayon.

“Sana nga, e, maayos na talaga ang health niya, kasi, ‘yun na lang naman ang pinoproblema niya ngayon. Sana, makapagtrabaho na siya uli hindi dahil sa kailangan niya ng datung kundi marami nang nakaka-miss sa kanya,” kuwento pa ng aming source.

Kuwento pa rin ng aming impormante, “Mga pinsan ko mismo ang nakasabay niyang nagsi-shopping sa branded store, nahihiya na tuloy silang mag-ikot, kasi nga, kung bumili si ____ (pangalan ng pamosong female personality), maraming-marami!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

O, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang babaeng personalidad na ito, ha?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending