LUMALABAS na karnap ang inabandonang Toyota Vios na sangkot sa pag-araro sa napakaraming sasakyan at nag-iwan pa ng dalawang sugatan sa JP Laurel st. at Muelle de Sampaloc sa Maynila kahapon. Ayon kay Capt. Jaime Gonzales, hepe ng vehicular accident investigation unit ng Manila Traffic, ang Toyota Vios ay may plaka na UKE 450 ay […]
ANIM katao ang nasawi at 18 pa ang nasugatan nang mahulog ang pampasaherong jeepney sa isang bangin sa Libon, Albay, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at mga nasugatan, na pawang mga dinala sa Pantao District Hospital, habang isinusulat ang istoryang ito. Naganap ang […]
NANGUNA ang isang female cadet mula sa Ilocos Sur sa mga magtatapos sa Philippine Military Academy (PMA). Pangungunahan ni Cadet 1st Class Dionne Mae Apolog Umalla, ng barangay Allilem Daya, Alillem, Ilocos Sur, ang 263 PMA MABALASIK (Mandirigma ng Bayan, Iaalay ang Sarili, Lakas at Tapang, Para sa Kapayapaan) Class of 2019, at isa sa […]
NIYANIG ng magnitude 4.0 lindol ang Agusan del Norte kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:12 ng umaga. Ang epicenter nito ay 25 kilometro sa silangan ng Remedios Romualdez. May lalim itong 13 kilometro. Naramdaman ang Intensity 1 sa Gingoog City. Walang inaasahang aftershock at pinsala ang lindol […]
LALO pang lalapit sa P200 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola sa Miyerkules ng gabi. Sa bola noong Lunes ng gabi ay walang tumama sa P190.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto. Lumabas sa huling bola ang winning number combination na 06-33-54-42-36-41. Nanalo naman ng tig-P200,000 ang anim na mananaya na […]