Sigaw ng bashers kay Agot Isidro: Hindi pa rin maka-move on sa pagkatalo ni Hilbay
PINALAGAN ni Agot Isidro ang akusasyon ng ilang bashers na hindi pa rin siya maka-move on sa pagkatalo ng kanyang boyfriend na si Pilo Hilbay sa nakaraang eleksyon.
Isa si Hilbay sa mga kumandidato sa pagkasenador sa ilalim ng Otso Diretso party ngunit hindi nga pinalad na makapasok sa Magic 12 ng mga nanalong senador.
Sa kanyang tweet, dinenay ni Agot ang ibinabato sa kanya ng mga netizens na until now ay hindi pa rin niya matanggap na natalo ang kanyang boyfriend.
“Grabe. Tanggap na tanggap naman. Check yung tweet. Kalmado. Haaay,” pahayag ng Kapamilya actress with matching rolling eyes emoji.
Nagsimula ang pang-ookray ng mga bashers kay Agot nang mag-post siya sa Twitter na “China” ang tunay na “nanalo” sa eleksyon base sa partial and unofficial tally ng mga botong nakuha ng senatorial candidates. Aniya pa, bago pa maganap ang halalan noong May 13 ay prepared na siya sa kalalabasan ng botohan.
“Postscript on the senatorial race: I was expecting the worst but was hoping to be surprised. The surprise didn’t come but the hope stayed on. #kapitlangpilipinas,” pahayag pa ng aktres.
In fairness, talagang ayaw pa ring tantanan si Agot ng mga bashers, lalo na ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte o ng mga DDS. Grabe ang pambabatikos kay Agot mula nang aminin niya na boyfriend nga niya si Hilbay.
Kinuwestiyon ng madlang pipol ang kanilang relasyon dahil nga nataong panahon ng eleksyon nang sila’y umamin. Mismong Valentine’s Day nila ibinandera ang kanilang pagmamahalan sa isang campaign rally ng Otso Diretso.
Mas lalong umingay ang kanilang relasyon nang sabihan ni PDuterte na “gay” si Hilbay na mariin namang dinenay nina Pilo at Agot.
Kung matatandaan, pinakilig ni Agot ang mga supporters nila ng kanyang boyfriend nang mag-post siya ng sweet message para rito. Aniya, “For the most part, it’s like this. Other times, we are eating (smile emoji with tongue sticking out).
“I wish people would know more of you, not just your credentials, your achievements or how smart you are. But for who you are as a person.
“Steady always comes to mind. Even-tempered. Reasonable. Rational. Perfect for someone as crazy as me. Perfect for these crazy times. Whatever happens, you tried your bestest, like you always do.
“Your campaign had no money but you have a vision of a less imperfect world with all your good intentions. Best of luck, lablab @pilo_hilbay. Ang laban mo ay laban ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.