Jeepney nabangin: 6 patay, 18 sugatan | Bandera

Jeepney nabangin: 6 patay, 18 sugatan

John Roson |May 21,2019
facebook
share this

Jeepney nabangin: 6 patay, 18 sugatan

John Roson - May 21, 2019 - 07:49 PM

ANIM katao ang nasawi at 18 pa ang nasugatan nang mahulog ang pampasaherong jeepney sa isang bangin sa Libon, Albay, Martes ng hapon, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at mga nasugatan, na pawang mga dinala sa Pantao District Hospital, habang isinusulat ang istoryang ito.

Naganap ang insidente sa Sitio Hulandig, Brgy. San Jose, alas-3, ayon sa inisyal na ulat ng Bicol regional police.

Minamaneho noon ni Rolando Olade ang dilaw na jeepney (EVF-366), na may aabot sa 30 sakay, mula Brgy. Pantao patungong Centro Poblacion.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na habang dumadaan sa isang kurbada ang jeepney ay nagloko ang preno, hanggang sa ito’y nahulog sa bangin.

Hinahanap pa si Olade, na sinasabing tumakas matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending